- —242—
—Pakingán mo, Paulita, —ang patuloy —batíd mo kung
gaano ang aking pagsintá at pagsambá sa iyó alám mong
nalilimot ko ang sarili kung ako'y iyóng tinititigan, kapag-
nábabakás ko sa titig na iyan ang isáng kisláp ng pag-ibig....
gayón man, kapag wala kaming nápalâ, ay papangarapin
ko ang isá mo pang titig at mapalad akóng mamámatáy
upang ang isang liwayway lamang ng pagmamalaki ay sumi-
lay sa iyong mga matá at masabi mo sa balang araw, sa
lahát, kasabay ng pagtuturo sa aking bangkáy, na: ¡ang aking
pag-ibig ay namatay sa pagsasanggalang ng mga karapatán
ng aking bayan!
—¡Halinang umuwi, inéng, at baka ka sipunín! —ang
sigaw ng sandaling iyón ni aling Victorina.
Ang boses na iyon ay nagpabalík sa kanilá sa katuna-
yan ng buhay. Yaón na ang oras ng pag-uwi, at sa ka-
gandahang loób, ay inanyayahang lumulan sa sasakyán si-
Isagani, anyayang hindi na inantáy ng binatà na ulitin pang
muli. Sa dahilang ang karuahe ay kay Paulita, ay umupo sa
paharáp si aling Victorina at ang kaibigan, at sa bangkong
maliit ang dalawang magsing-irog.
Lulan ng isang sasakyán, mákasiping ang ginigiliw, la-
ngapin ang bangó, masagi ang sutla ng damit, makitang
nag-iisip, na nakahalukipkíp, naliliwanagan ng buwan sa Pi-
lipinas na nagbibigay kagandahan at dingal sa anománg ba-
gay na lalong lubasâ, ay isang pangarap na hindi inantáy
ni Isagani na mangyari magpakailan man! Nápakámara-
litâ ng mga pauwing naglalakád, na nangag-iisá, at
nangagsisiilag upang paraanin ang matuling sasakyán! Sa
hinabà habà ng dinaanang iyon, sa boong habà ng baybayin,
ng liwaliwan ng Sabana, ng tulay ng España, ay walang
nakita si Isagani kundi isang magandang ulong nakatagilid,
mainam ang pusód, na nagtátapós sa isáng sunud-
sunurang lifg na nawawala sa mga guyón ng pinyá. Isáng
brillante ang kumikindát sa kaniyá mula sa pingol ng munting
tainga, na wari'y bituin sa gitna ng mga pinilakang ulap.
Si Isagani ay nakáringig ng malayong uliyaw na itinátanóng
sa kaniya si D. Tiburcio de Espadaña, ang pangalan ni Jua-
nito Pelaez, nguni't sa ganáng kaniyá ay naging wari'y tunóg
ng kampanàng nadidingíg na malayò, magulóng tingig na
nádidingig sa gitna ng bungang-tulog.