Jump to content

Page:Ang "Filibusterismo" - (karugtong ng Noli me tangere) (IA angfilibusterism00riza).pdf/247

From Wikisource
This page has been proofread.
—241—


sapagka't kung magkakágayón ay hindi na makaduduhagi ang
paggawa, hindi na magiging pangangayupapà, na wari'y takda
sa alipin; sa gayon ay hindi na pasasamaín ng kastilà ang
kaniyang ugali sa tulong ng mga hangaring maghariharian at,
tapát ang tingin, malusog ang pusò, ay mag-aabutan kami ng
kamáy, at ang pangangalakal, ang paggawa, ang pag-aani, ang
karunungan ay magnanawnáw sa lilim ng kalayaan at ng
mga kautusáng tuwid at pantay pantay na gaya ng sa ma-
yamang Inglaterra.....

Si Paulita ay nangingiting wari'y alinlangan at infilíng
ang ulo,

—¡Pangarap, pangarap!-ang buntóng hiningá —nádingíg
kong sinasabi na kayo'y maraming kalaban.... Ang sabi
ni tia Torina ay alipin magpakailan man ang bayang itó.

—Sapagka't ang ali mo'y isang hangál; sapagka't hindî
maaaring siya'y mabuhay nang walang alipin, at kung wala siyá
noon ay pinapangarap ang sa darating na panahón, at kung hindi
mangyari ay binubukobuko sa sariling gunita. Tunay ngâng
mayroon kaming mga kalaban, na magkákaroon ng tungga-
lian, nguni't kami ang magtatagumpay. Mangyayaring ga-
wing walang wastong kanlungan ng matandang kaparaanan
ang mga duróg na muog ng kanilang mga kastilyo, amin
silang gagapiing umaawit ng kalayaan, sa harap ng inyong
mga malas, sabáy sa pagakpák ng inyong mga kamay na
aming minamahal! Sa isang dako'y hindi ka dapat manga-
nib; ang labanán ay mapayapà; sukat na ang iabóy lamang
ninyó kamí sa pag-aaral, gisingin ninyó sa amin ang ma-
rangál at mataas na pag-iisip at udyukán ninyó kamí sa
pagtatamán, sa kagitingán, na ang pinakagantí'y ang inyong
paggiliw!

Taglay din ni Panlita ang kaniyang ngiting mahiwagà
at waring nag-iisip; nakatanáw sa dako ng ilog, at tinatapík-
tapík ng pamaypay ang pisngi.

—¿At kung wala kayóng mápalâ? —ang tanong na wa-
ring hindi pinahahalagahan nang gaano ang usapan.

Ang tanong na ito'y nakasugat kay Isagani; tinitigan
ang mga matá ng kaniyang irog, dahandahang piniglán ang
isáng kamay at nagwikàng:

—Pakingán mo: kung wala kamíng mápalâ.....

At náhintong nag-aalinlangan.

16