Jump to content

Page:Ang "Filibusterismo" - (karugtong ng Noli me tangere) (IA angfilibusterism00riza).pdf/246

From Wikisource
This page has been proofread.
—240—


kisapi sa ating tingig, mğa politiko na nakababatid na wa-
lâng mabuting bigkís kundi ang pag-iisá sa kabuhayan at
sa damdamin: kinikilala ang ating katwiran at ang lahat ng
bagay ay nagpapahiwatig ng isang magandang kinabukasan
ng madlá.... ¡Tunay nga at katatapos pa lamang na ka-
pagtitikim ng isang munting pagkabigo, kaming mga nag-
aaral, nguni't ang tagumpay ay untíunti nang lumalaganap
sa lahat ng layunin.... nasa sa budhi na ng lahát! Ang
taksíl na pagkatalong aming tinamó ay nagpapatunay ng
mga huling hingá, ng huling kilig ng mamámatáy! Bukas
ay mámamayán kauí ng Pilipinas na magandá na ang tu-
tunguhin sapagka't málalagay sa mga mairugíng kamay; ¡Oo!
ang kinabukasan ay amin, nákikiníkinitá ko nang kulay rosa,
nakikiníkinitá kong ang pagkilos ay magbibigay buhay sa
dakong ito na laong panahong patáy, náhihimbing.... Ná-
kikinikinitá ko ang pagsipót ng mga bayan sa kalapít ng
mga daáng bakal, at sa lahát ng pook ay may mga paga-
waan na gaya noong nasa Mandaluyong!.... Nádidingíg
ko na ang pagsipol ng bapor, ang dagundóng ng
mğa tren, ang ugong ng mga mákina.... namamalas
kong pumapaitaas ang usok, ang kaniyang malakás na hingá,
at nálalangáp ko ang amoy ng langís: ang pawis ng mga
kahangahangàng kasangkapan na walang tigil sa paggawa....
Ang daongang iyan, na may mahinang pagkayari, ang ilog
na iyan na wari'y pinaghihingalûán ng pangangalakal, ay
mákikita nating puno ng albor at maglalarawan sa atin ng
panahon ng taglamig sa kagubatan ng Europa.... Ang malunas
na simoy na itó at ang malilinis na batong iyán ay mapupunô
ng uling, ng mga kaha at barriles na gawa ng tao; dátapwa'y
walang kailangan! maglalakbay tayo ng madalian, sa mga ma-
luluwag na sasakyán, upang hanapin sa dakong loob ang ibáng
simuy, ang ibang tanawin sa ibáng dalampasigan, mga lalòng
malalamíg na singaw sa mga paanan ng kabundukan.... Ang
mga acorazado ay siyang magbabantay sa ating mga bay-
bayin ang pilipino at ang kastilà ay mag-uunahán sa pag-
pupunyaging gapiin ang anománg pagdagsâ ng mga taga ibáng
lupàín, upang ipagtanggol ang inyong mga tahanan at ba-
yàan kayóng matuwa at mabuhay ng mapayapà, na ginigi-
liw at iginagalang. Ligtás na sa paraang panghihitít, walang
sama ng loob at pag-aalinlangan, ang bayan ay gagawa na,