Jump to content

Page:Ang "Filibusterismo" - (karugtong ng Noli me tangere) (IA angfilibusterism00riza).pdf/245

From Wikisource
This page has been proofread.
—239—


aaral ay waring may isang bagay na walâ sa akin ng ako'y
nároon, ang kagubatan ay madilím, malungkot ang ilog na
umaagos sa kagubatan, ang dagat ay nakaiinip, ang abot ng
malas sa dakong kalookan ay walang anománg bagay....
¡At kung máparóon ka lamang doón, kabi't miminsan, kung
tungtungan ng mga paa mo ang mga landás na iyon, kung
kanawin ng dulo ng iyong mga daliri ang tubig ng mga
batisan, kung tingnan mo ang dagat, maupô ka sa talam-
pás at pahigingin mo ang hangin sa pamag-itan ng iyong
mahihimig na awit, ang aking kagubatan ay magiging Edén,
ang agos ng batisan ay aawit, sisipót ang liwanag sa kusim
na dahon, magiging batóng brillante ang mga paták ng ha-
móg at magiging perlas ang mga bula ng dagat!
Nguni't nádingíg ni Paulita na upang makarating sa
bayan ni Isagani ay kailangang magdaán sa mga bundók na
maraming maliliit na lintâ, at dahil sa bagay na itó, ay
kinikilig na ang duwág. Dahil sa gawi na niya ang ayaw
mapagod at sa dahilang siya'y malayaw ay sinabing magla-
lakbay lamang siya kung naka-karwahe ó naka-tren.

Si Isagani, na nakalimot na sa lahát ng kaniváng ma-
paít na pagpapalagay sa mga bagay bagay at wala nang
nákikita sa lahát ng dako kundi bulaklak na walang tiník, ay sumagót na:

—Sa loob ng di mahabang panahón ang lahát ng pu-
lo'y makakalatan ng mga daáng bakal.

Na lubhang matuli‘t
halos parang hangin
na pagdaraanán
niyóng ferro-carril,


gaya ng sabi ng isáng sumulat; at sa gayón, ang mga su-
lok ng sangkapuluan ay mabubuksan sa lahát.....

—Sa gayón, nguni't kailan? Kung ako'y hukluban na....

—¡Bah! Hindi mo batid ang magagawa natin sa loob
ng ilang taon —ang sagót ni Isagani —hindi mo batíd ang lakás
at ang sigabó na maibibigay ng bayan matapos ang daan
daang taong pagkáhimbing.... Nililingap tayo ng España;
ang kabinatàan nating nasa Madrid ay gumagawa gabi't
araw at iniuukol sa tinubuan ang boo nilang katalinuhan,
ang lahat ng sandali ng kanilang kabuhayan, ang lahat ng
kanilang kaya; ang mga mahahabaging tingíg doon ay naki-