- —238—
Si Paulita, sa harap ng gayong sigabó ng kalooban da-
hil sa bayang kinákitàan ng unang liwanag, sigabóng hindi
kilala, siya na hiratíng makádingig ng pag-alipusta sa ka-
niyang bayan at maminsan minsang siya'y nakikiayon sa
gayón, ay nagpahalata ng kaunting wari'y panibughô sa
paraang paghihinampó na gaya ng dati.
Nguni't madali siyang napapayapà ni Isagani.
—¡Oo! —ang sabi —siya'y iniibig ko ng higit sa lahát ng
bagay noong hindi pa kitá nakikilala! Ibig na ibig ko ang
magliklík sa kagubatan, humimbing sa lilim ng mga punò,
umupo sa ungós ng isáng talampás upang saklawin ng ti-
nğin ang Pasipiko na sa harapán kóʻy hinahalò ang kaniyang
mga bughaw na alon, at inihahatid sa akin ang mga awit
na natutuhan sa mga dalampasigan ng malayàng Amérika....
Bago kitá mákilala, ang dagat na iyon ay siyáng aking
mundó, aking lugód, aking pag-ibig, aking mga pangarap.
Kapag nahihimbing ng mapayapà at ang araw ay nagni-
ningning sa kaitaasan, ay ikinalulugód ko ang pagtanáw sa
banging nasa sa aking paanan na may limángpung metro
ang lalim, at hinahanap ko ang mga kahangàhangàng hayop
sa kagubatan ng mga bulaklak ng bató at mğa korales na
naaaninag sa bughaw na tubig, ang malalaking serpiente na,
alinsunod sa sabi ng mga taong bukid, ay umaalis umanó
sa gubat upang manahanan sa dagat at doo'y magpakalaki-
laki.... Sa kináhapunan, na, umano'y, siyáng paglabás ng
mga sirena, ay sinusubukan kong masigasig sa pag-itan ng
mga alon, na minsan, ay waring namalas ko silá sa
gitnâ ng bulâ at doo'y nangaglálarò; maliwanag na na-
didingig ko ang kanilang mga awit, awit na ukol sa kala-
yaan, at naulinigan ko ang tunog ng kanilang mataginting
na alpá. Noong araw ay dumádaan akó ng mahahabang
sandali sa pagmamalas ng pagbabagobagong anyo ng mga
ulap, sa pagmamalas sa punong nag-iisá sa kapatagan, sa
isáng talampás, na hindi ko maunawa ang sanhi ng pag-
kakagayón, na hindi mákilalang lubos ang damdaming yaon
na ginigising sa aking kalooban. Madalás na ako'y pi-
nagsasalaysayan ng mahahabang pangaral ng aking amaín at
sinasabing dadalhin ako sa isang manggagamot dahil sa bakâ
ako'y magkaroon ng sakit na mapanglawin. Dátapwâ'y ná-
kita kitá, kitá'y inibig, at sa pagpapahingáng ito sa pag-