- —237—
—Gayón man, kagabi'y hindi man ninyó nápunang ako'y
nasa dulaan; sa boông itinagál ng palabás ay minamatyagán
ko kayó at hindi ninyó hinihiwalayán ng tingin iyong mga
babaing cochers....
Nagkápalít ang kalagayan; si Isagani na náparoon upang
humingi ng paliwanag ay siya pang nagbigay at sumaligaya
siyáng lubos ng tinuran ni Paulita na siya'y pinatatawad.
Tungkol sa pagkakaparoon ng babai sa dulàan, ay dapat
pang pasalamatan sa kaniyá; siya, sa kápipilit ng inali, ay
pumaroon lamang sa pag-asang makikita ang binatà sa boong
palabás. ¡Gaano ang pagkutya niya kay Juanito Pelaez!
—¡Ang aking ali ang nakakaibig! —ang sabi na kasabay
ang masayáng halakhák.
Kapuwa nagtawanan; ang pagkakasal ni Pelaez kay aling
Victorina ay ipinagkatuwâ niláng mabuti at halos namamalas.
na nilang nangyari; nguni't naalala ni Isagani na si D. Tiburcio.
ay buhay at ipinagkatiwalà ang lihim sa kaniyang giliw, ma-
tapos na mapapangakong hindi sasabihin kahit kanino. Si
Paulita'y nangakò, nguni't sa sarili'y tangka ang sabihin sa
kaibigan.
Ang bagay na ito'y siyang naglipat ng usapan sa bayan.
ni Isagani, na nalilibid ng kagubatan at nálalagay sa bay-
bayin ng dagat na nag-uumugong sa paanan ng matataas na
talampás.
Ang matá ni Isagani ay nagliliwanag sa pagbanggit sa liblíb
na sulok na iyon; ang sigaw ng pagmamakatangi ay nagpapapulá
sa kaniyang pisngí, nanginginig ang kaniyang boses, ang kani-
yáng damdaming makatà ay sumusulák at ang mga salitá'y pu-
mupulás na mainit, puno ng sigabó na waring ang pag-ibig
ng kaniyang pag-ibig ang tinuturan, kaya't hindi nakapigil
sa pagbulalás ng:
—¡Oh! Sa ilang ng aking mga kabundukan ay dina.
danas ko ang pagkamalayà, malayàng gaya ng simuy, gaya.
ng liwanag na walang sagkang kumakalat sa sangsinukob!
Libo mang bayanán, libo mang palasyo ay ipagpapalit ko sa
sulok na iyon ng Pilipinas, na malayo sa mga tao, ay dinada-
nas ko ang tunay na kalayaan! ¡Doón, kaharáp ang mga
sadyang likás, kaharáp ng hiwagà at ng walang katapusán: ng
kagubatan at ng karagatan, ay nag-iisip akó, nagsasalita at guma-
gawa nang gaya ng isang taong walang kinikilalang panginoón!