Jump to content

Page:Ang "Filibusterismo" - (karugtong ng Noli me tangere) (IA angfilibusterism00riza).pdf/242

From Wikisource
This page has been proofread.
—236—


nungkol ni Isagani ang pagtuklas ng kinalalagyán sa pamag-
itan ng mga nag-aaral na kakilala niya.

—Wala pang makapagsabi sa akin hanggá ngayón-ang
sagót, at katotohanan ngâ ang kaniyang sinasabi, sapagka't
si D. Tiburcio ay nagtatago pa namán sa bahay ng amaín ng
binatà, sa bahay ni P. Florentino.

—Ipabalità ninyó sa kaniyá-ang sabing galit na galit ni
aling Victorina-na ipinahahanap ko siya sa guardia sibil; sa
patay man ó sa buhay ay ibig kong matanto kung saan
naroon.... sapagka't iyang pangangailangang mag-antáy ng
sampung taón bago makapag-asawa ang isáng gaya ko!

Gulilat na nápatingin sa kaniya si Isagani; iniisip ni
aling Victorina ang pakasal. Sino kaya ang kulang palad?

—¿Anó ba ang pagkámasid ninyó kay Juanito Pelaez!—
ang biglang tanong ng babai.

—¿Si Juanito?.....

Hindi matumpakán ni Isagani ang isásagót; nganínganí
nang ibig sabihin ang lahat ng kasamàán ni Pelaez na kaniyang
batid, nguni't ang pagkamapagbigay ay siyang naghari sa
kaniyang pusò at ang sinabi'y pawàng pagpuri sa kaagáw, sa
dahiláng kaagaw nga niya. Dahil sa gayón ay tuwângtuwa
at magalák na pinakapuri ni aling Victorina ang mga ka-
butihan ni Pelaez, at gagawin na sanang katapatang loob si
Isagani tungkol sa kaniyang panibagon pag-ibig, nang dumating
na tumatakbo ang kaibigan ni Paulita upang sabihin na ang
pamaypay nito'y nahulog sa mga batóng nasa pasigan, sa
kalapit ng Malecón. Pakaná ó pagkakátaón, nguni't ang
pangyayaring ito'y nagbigay daan upang ang kaibigan ay
mátirang kasama ng matandang babai at si Isagani namán
ay mangyaring makipag-alaunan kay Paulita, Sa isáng dako
namán ay ikinalulugód ni aling Victorina ang gayón, at upang
maiwan sa kaniya si Juanito, ay linúluwagán ang pag-ligaw
ni Isagani.

Mayroon nang handang paraan si Paulita; nang mag-
pasalamat ay nagpakunwaring may pagkamuhi, may samâ ng
loob, at ipinahiwatig, sa isang paraang lubhang mahinhin,
na siya'y nagtataká sa pagkakatagpo doon sa binatà, gayóng
ang lahat ng tao'y nasa Luneta, sampû ng mga artistang
pransesa.

—Tinipanán ninyó akó, ¿ps panong hindi....