- —235—
—¡Ay! —ang buntóng-hiningá niyá —ikapág ang mga la-
busáw sa España ay kagaya ng mga náririto, sa madaling
panahon ay mabibilang ng Ináng bayan ang mga nagtáta-
pát sa kaniya.
Ang gabi'y unti-unting lumálaganap at dahil doo'y na-
raragdagan ang kapighatian sa puso ng binatà, na wala nang
pag-asa halos na makita si Paulita. Iniiwan na ng mga
nagliliwalíw ang Malecón upang tumungo sa Luneta, na ang
iláng bahagi ng tinutugtóg doon ng musika ay nakararating
na dalá ng masarap na hangin sa hapon hanggang sa kina-
lalagyan ng binatà; ang mga marino ng isang pangdig-
mång dagat, na nakahimpíl sa ilog, ang gumagawa ng mga
paghahandang ukol sa gabí, na, nangagsísiakyát sa lubid na
wari'y mga gagambá; ang mga daóng ay unti-unti nang
naglalagay ng kanilang ilaw na nagbibigay buhay doon at
ang dalampasigan
na sinabi ni Alaejos, ay bumúbugá sa dakong malayò ng
manipis na singaw na ginagawang wari'y kayong madalang
at matalinghagà ng liwanag ng buwan, na noon ay kabi-
lugan......
Isáng malayòng dagunót ay nádingíg, dagunót na untî-
unting lumálapít: lumingón si Isagani at ang kaniyang puso'y
tumibok ng malakás; isáng sasakyang batak ng dalawáng
kabayong puti ang dumáratíng, ang mga kabayong puting
makikilala niya sa gitna ng sandaanglibo. Sa sasakyán ay
nakalulan si Paulita, si aling Victorina at ang kaibigang
kasama ng gabing nakaraán.
Bago makahakbang ang binatà'y nakaibís nang bigla si
Paulita at nginitian si Isagani ng isáng ngiting lubós
na pakikipagkásundo; si Isagani'y napangiti namán at sa
wari niya'y napawing parang usok ang lahat ng ulap,
ang lahat ng masusungit na akalàng sa kaniya'y suma-
lakay may mga liwanag ang langit, awit ang hangin at
bulaklak ang nakakalat sa mga damó ng nilalakaran. Ang
masamâ lamang ay naroroon si aling Victorina, si aling Vic-
torina na kaylan ma't nakikita ang binatà'y hindi binibitiwan
upang pagtanungan nang balitang ukol kay D. Tiburcio. Ti-