- —234—
kundi sa boông buhay na! Katakátakáng pag-unawà sa
katwiran! Ang kalagayang ito'y nagbibigay ng malaking
karapatán upang lipulin ang lahat ng dayuhan na wari'y
siyáng lalong mabangis na hayop na maitatapon ng dagat!
At inísi pisip. na, ang mga taga pulong iyón, na kabaka
ng kaniyang bayan ay walang ibang kasalanan kundi ang
taglay na kahinaan. Ang mga manglalakbay ay lumunsád
din naman sa dalampasigan ng ibang bayan; nguni't sa da-
hiláng nátagpuang malalakás ay hindi pinagtangkâán ng kani-
láng katangi-tanging hanğád. Kahit na mahihinà ay mi-
námaganda niya ang ipinamamalas, at ang pangalan ng
mga kalaban, na hindi kinaliligtaáng lagyan ng kakabit na
duwag at di mapagtapát ng mga pamahayagan, ay ipinala-
lagay niyang mga pangalang magiting, sapagka't namama-
tay sa gitna ng kadakilaan sa paanan ng mĝa gibâng
muog ng kaniláng df wastông kutà, mga dakilà pa kay sa
matatandang bayaning taga Troya; ang mga nasa mga nasa pulông
iyon ay hindi nagnakaw ng isá mang Elenang pilipina. At
sa kaniyang kasigabuháng loob sa pagkamakatà, ay iniisip
ang mga kabinataan sa mga pulông iyon na nangagkakapuri
sa matá ng mga babai doon, at dahil sa siya'y nangingi-
big, na may nasàng mawala sa mundó, ay kinaiinggitán niyá
ang mga kabinatàang iyon na nakakatagpo ng isang dakilang
pagpapatiwakál. At nábulalás na:
—¡Ah! Ibig kong mamatay, mauwi sa wala, iwanan ang
aking bayan ng isang dakilang pangalan, mamatay ng dahil
sa kaniya, siya'y ipagtanggol sa pagdagsâ ng mga dayuhan
at pagkatapos ay tanglawán ng araw ang aking bangkáy na
wari'y tanod na walang kilos sa mga talampás ng dagat!
At ang pakikilaban sa mga alemán ay pumasok sa ka-
niyang alaala, at halos dinamdám niya ang pagkakasawata
ng gayón; namatay sana siyá ng boong kasiyahang loob sa piling
ng watawat ng kastilà't pilipino, bago sumuko sa dayuhan:
—Sapagka't sa España —aniya —ay nabibigkis kami ng
mahigpít, dahil sa nakaraan, sa kasaysayan, sa pananampa-
lataya, sa wikà....
¡Ang wikà, oo, ang wikà! Isáng palibák na ngiti ang
nalarawan sa kaniyang mga labi; ng gabing yaon ay may-
roon silang gagawing isang piging sa magpapansit upang ipag-
diwang ang pagkamatay ng Akademia ng wikang kastilà.