- —233—
hambúg sa ga nang kaniyá; malilikót at walang pinag-aralan ang
mga batang naglalaro sa dalampasigan na pinatatalón sa alon ang
mĝa batóng lapád sa tabi ng dagat, ó kaya'y nangághahanap sa
buhanginan ng mga suso at kokomo na hinuhuli ng walang patu-
mangga at pinapatay ng wala namang pakinabang; sa isang sabi,
sampû ng walang katapusáng paggawa ng daongan, na pi-
natungkulan niya ng mahigit sa tatlóng tula, ay warîng isáng
bagay na walang kabuluhan, kahalayhalay, gawâng batà, sa
ga nang kaniya.
—Ang daongan, ¡ah! ang sadsaran ng Maynilà, isáng,
bastardo na mulâ't sapol ng ipaglihi ay nagpaluhà na sa lahát
dahil sa pangunguntî't kahihiyán! Kung hindi man lamang sana.
mangyari na matapos ang maraming pagluhà ay huwag lu-
mabás na karimarimarim ang bungang sisipót!
Nagpugay ng hindi ininó ang dalawáng hesuita na naging
mga guro niya; bahagya nang nápuna ang isang tandem na
ang lulan ay isang amerikano at kínaíingitán ng ilang ma-
kisig na nagpapalakad ng kanilang mga kalesa: nang nálalapít
sa monumento ni Anda ay nadingíg si Ben Zayb na may
kausap at ang pinagsasalitaan ay si Simoun na nang ga-
bíng nakaraan ay biglang nagkasakít; si Simoun ay ayaw tu-
manggap ng anomang dalaw, sampú sa mga alagad ng
General.
—¡Iyan! —ang bulalás ni Isagani na nápangiti ng ma-
lungkót diyan, ang mga pakitang loob, sapagka't mayaman....
Nguni't sa mga sundalong sugatín at may sakit na galing
sa pagsalakay ay walang dumadalaw!
At sa pag-iisip sa mga pagsalakay na itó, sa kapalaran
ng mga kaawàawàng sundalo at sa pakikipaglaban ng mga
taga kapulùan na ayaw pasakop sa dayuhan, ay naisip ang
pagtimbang ng mga pagkamatay, na, kung ang sa mga sun-
dalo ay dakilà sapagkâ't tumútupad sa kanilang katungkulan,
ang sa mga taga kapuluan ay maluwalhati sapagka't ipinag-
tátanggol ang kaniláng tinubuan.
—¡Katak átakáng kapalaran ang sa ilang bayan! —aniya
—Sapagka't ang isang manglalakbay ay lumunsád sa kani-
yáng dalampasigan, ay nawawalán na sila ng kalayaan at
nagiging sakóp ó alipin, hindi lamang ng manglalakbay, hindi
lamang ng mga nagmamana sa mga ito, kundi ng kanilá
pang mga kababayan, at hindi sa isang panahón lamang.