Jump to content

Page:Ang "Filibusterismo" - (karugtong ng Noli me tangere) (IA angfilibusterism00riza).pdf/238

From Wikisource
This page has been proofread.
—232—


papel, na bahagyang kinatatalâán ng ilang talatàng mada-
lian ang pagkakatitik, na may ilang lamas at di lubhang
ayos ang pagkakasulat, mga bagay na hindi nakahadláng
upang sila'y pakaingatan ng binatang nangingibig na higit
pa kay sa sila'y nagíng sulat ni Safo ó ng musa Polimnia.

Ang pagtalagang itó na pawiin ang pag-ibig sa ngalan.
ng karangalan, ang hangád na magtifs makatupád lamang
sa katungkulan, ay hindi nakapigil na sumalakay kay Isagani
ang isang matinding kalungkutan at makapagpaalaala sa
kaniya noong magagandang umaga at mga gabfng lalò pa
mandíng magagandá, na siláng dalawa'y nagbubulungan ng
matatamís na kahanğalán sa mga pag-itan ng saláng
bakal ng entresuelo, mga kahangalang sa ga nang bi-
natà, ay may kahulugan at katuturán na waríng sila ang
mga tanging salita na dapat pakinggan ng lalong mataás
na pang-unawà ng tao. Iniisip ni Isagani ang mga pagla-
lakarán, ang mga gabing may buwán, ang peria, ang mga
madaling araw ng Disyembre matapos ang misa de gallo,
ang agua bendita na karaniwang kaniyang iniáabót at pina-
sasalamatan namán ng binibini sa pamagitan ng isáng ti-
nging puno ng isang boông pagsintá, at kapuwa sila nanğí-
ngilabot pagtatamà ng kanilang mga daliri. Matutunóg na
buntónghiningá na waring maliliit na kuwitis ang pumupulas
sa kaniyáng dibdib at sumásalagimsim sa kaniyá ang lahát
ng banggit ng mga makatà't manunulat na ukol sa pagka-
Balawahan ng babai. Sa loob niyáng sarili'y isinusumpa ang
pagkakatayo ng mga dulàan, ng operetang pransés, ipina-
ngangakong gagantihan niya si Pelaez sa lalong madaling
panuhón. Lahát ng nasa paligid ay waring malungkot at
maiitím ang kulay sa ganáng kaniya ang dagatan ay uli-
la't nag-iisá, lalò pa mandíng wari'y nag-iisá dahil sa kada-
langan ng mga daóng na nakahinto roon; ang araw ay lu-
lubog sa likuran ng Mariveles nang walang anománg kagan-
dahan at karik tán, wala ang mga ulap na sarisari ang ayos
at mayaman sa kulay ng mga hapong magagandá; ang mo-
numento ni Anda, na walang kaayos ayos, marálitâ't bagól,
na walang anyo, walang kalakhán: wari'y isang sorbetes ó
mabuti na ang maging isáng pastel; ang mga ginoong nangag-
liliwaliw sa Malecón, kahit na may mga anyông nasisiyahang
loob at masasayá, ay waring masusungit, mapagmataás at mga