- —231—
ng mga pangarap ng makatà sa kalangitang walang hangan,
anino ng babaing nábanaag sa isang sinag ng buwan, na
ibinubulong ng maigkás na kawayanan.... ¡Mapalad ang ma-
matay ng mayroong umiiyak, ng nag-iiwan sa puso ng sa
kaniya'y umiibig ng malinis na gunitâ, isáng banal na alaala,
na hindi nadungisan ng karumaldumal na sigabó ng kaloo-
ban na lalong lumálakí sa katagaláng panahón! ¡Sumulong ka,
aalalahanin ka namin! Sa malinis na simuy ng ating bayan,
sa ilalim ng kaniyang langit na bughaw, sa ibabaw ng alon
ng lawang nakukulóng ng bulubunduking kulay sápiro at
baybaying esmeralda; sa kaniyang malilinaw na batisan na
nilililiman ng mga punong kawayan, hinihiyasan ng mga
bulaklak at binibigyang buhay ng mga tutubf't paróparó sa
kanilang walang tungo at malikót na pagliliparan na waring
nangagsisipaglarð sa hangin; sa katahimikan ng ating
mga gubat, sa awit ng ating mga batisan, sa buhos
na brillante ng ating mga talón ng tubig, sa ma-
ningning na liwanag ng ating buwán, sa mga bun-
tóng hiningá ng hangin sa gabí, sa isang sabi, sa lahát
ng bagay, na makapagpapaalala sa larawan ng ginigiliw, ay
makikita ka naming gaya ng pinangarap naming anyô mo
na marilág, magandá, nakangiting gaya ng pag-asa, kasing-
linis ng liwanag, dátapwa'y malungkót at mapighating tinata-
náw ang aming karumaldumal na kalagayan.
- XXIV
- MGA PANGARAP
- ¡Amor, que astro cres?
Nang kinabukasan, isáng araw ng huwebes, bago lumu-
bóg ang araw, ay naglalakád si Isagani sa liwaliwang María.
Cristina na tungo sa Malecón, upang dumaló sa itinipán sa
kaniya ni Paulita ng umagang iyon. Walang pag-aalinlangan
ang binatà na ang kanilang pag-uusapan ay ang nangyari
sa gabing nagdaán, at sa dahilang siya'y handang hingán
ng paliwanag ang binibini at alám niya ang pagkamataás
at ugaling matigás nito ay inaasahan na ang isang pagka-
kasirâ. Dahil sa pananakaling ito ay tinaglay niya ang da-
lawáng bugtong na sulat ni Paulita, dalawang kaputol na