- —230—
ng hagdán, na ang lakad ay walâng tuto; nádingíg ang isang
timping sigaw, sigaw na waring nagsasabi ng pagsapit ng
kamatayan, malalim, katangitangi, kahambál-hambál, kaya't
ang binatà'y tumindig na namumutla't nanginginig sa kina-
uupán, nguni'i nádinğig ang yabág na papalayo at ang pintô
sa daan na nag-umugong sa pagkakásará.
—¿Kaawàawàng tao!-ang bulóng at ang kaniyang mga
matá'y napuno ng lubà.
At hindi na naalaala ang pag-aaral, at ang tingin ay sa
malayo, ay iniisip-isip ang kapalaran ng dalawang iyon: ang
isá'y binatà, mayaman, bihasá, malayà, nakapagpapasiya sa
sariling kabuhayan, may magandang kinabukasan, at ang
babai'y kasinggandà ng isáng pangarap, malinís, lipús pana-
nalig at walang kamalayan sa lakad ng kamunduhán, náka-
kandóng sa mga giliw at ngiti, nalalàan sa isang maligayang
pamumuhay, na sambahin ug kaniyang mga kaanak at iga-
galang sa mundó, nguni't gayón man, ang dalawang iyon na
lipus ng pag-ibig, puno ng mga adhikâ't pag-asa, dahil sa
isáng sawing kapalaran, ang lalaki'y naglalagalág sa boong
lupalop na tangáy ng ipo-ipong dugô at luhà, naghahasik
ng kasamaán at hindi kabutihan, inaapí ang kabaitan, at ina-
ayò ang masamang hilig, samantalang ang babai ay naghihi-
ngalo sa dilim na mahiwaga ng claustro na kaniyang pinasu-
kan sa paghanap ng kapayapaan, nguni't mga pagbabatá ma-
rahil ang natagpô; malinis at walang bahid dungis nang siya'y
pumasok at naghingalo siya roong wari'y bulaklák na lugás....
¡Humimbing kang mapayapà, sawing anák ng aking wa-
lang kapalarang bayan! ¡Dalhin mo sa libingan ang karik-
tán ng iyong kabataan, na linantá sa gitna ng paglusog!
Kapag ang isang bayan ay hindi makapaghandóg sa kaniyang
malilinis na dalaga ng isang payapang tahanan, sa pagkup-
kóp ng banal na kalayàan; kapag ang tanging maipamamana
ng lalaki sa kaniyang balo ay kahihiyán, pag-luhà sa iná
at kaalipinán sa mga anák, mabuti nga ang kusàin ninyó
ang huwag nang magbunga, at lunurin na sa inyong tiyan ang
binhi ng mga kalaitlait na iaanák. Ah, mabuti ka na, na
hindi ka mangingilabot sa iyóng libingan sa pagkádingíg ng
sigaw ng mga naghihingalo sa kadilimán, ng mga nakaba-
batid na sila'y may pakpák nguni't nangakagapos, ng mga
naiinis dahil sa walang kalayaan. Tumungo ka na kaakbáy