¡ginawa ko ang himagsikan sapagka't ang isang himagsikan
lamang ang makapagbubukás sa akin ng pinto ng mga kombento!
-¡Ay! ani Basilio na pinagduóp ang kamay-ináhulí kayó, lubhang hulí!
-At bakit?-ang tanong ni Simoun na ikinunót ang kilay.
-Si María Clara ay namatay na!
Sa isang lundág ay napatindíg si Simoun at hinandulong ang binatà.
-Namatay? ang tanong na ang tingig ay nakapanginğílabot.
-Kaninang hapon, ika anim ngayón marahil ay....
-¡Hindi totoó!-ang sigáw ni Simoun na namumutla't ang matá'y nanglilisik-hindi totoo! ¡Si María Clara ay buháy, si María Clara ay kailangang mabuhay! Iyan ay isang duwag na pagdadahilán.... ¡hindi mamámatáy, at ngayóng gabi'y ilíligtás ko siya ó bukas ay patay kayo!
Ikinibít ni Basilio ang kaniyang balikat.
-May ilang araw nang nagkasakít at ako ay pumaparoon sa kombento upang makibalità. Tingnan ninyó, nárito ang sulat ni P. Salvi na dalá rito ni P. Irene. Magdamag ná nag-iiyák si kapitang Tiago na hinahagkán at hinihingáng tawad ang larawan ng kaniyang anák hanggang sa natapos sa paghitit ng maraming apian.... Kaninang hapon ay tinugtóg ang kaniyang agonías.
-¡Ah! ang bulalás ni Simoun na piniglán ng dalawang kamay ang ulo at nápahintô.
Naaalaala ngâng nakadingíg siya ng tugtog ng agonías samantalang nanunubok sa paligid ng kombento.
--!Patay! ang mahinàng bulóng na waring ang nagsasalita'y isáng anino-ipatáy! namatay nang hindi ko man lamang nakita, namatay ng hindi nalalamang ako'y nabubuhay nang dahil sa kaniya, namatay ng nagtitiis!....
At sa pagdaramdám ng isang sigwang kalagímlagim, jsáng sigwáng may kulóg at buhawi na walang paták ng ulán, hinagpis na walang luhà, sigaw na walang salitâ, nagngangalit sa kaniyang dibdib at nagtatangkang umapaw na wari'y bugá ng bolkán na nalaong natimpi, ay biglang umalis sa kinalalagyang silid. Nádingíg siya ni Basilio na pumápanaog