Jump to content

Page:Ang "Filibusterismo" - (karugtong ng Noli me tangere) (IA angfilibusterism00riza).pdf/234

From Wikisource
This page has been proofread.


— 228 —

-Hawak ko ang kalooban ng pamahalaan-ang patuloy ni Simoun-aking ipinará at inaksayá ang kaunti niyang lakás at magugugol sa mga haling na pagsalakay, at sinilaw ko siya sa kapakinabangáng máduduwít; ang mga pa- ngulo niya ay tahimik na nangasa dulàan ngayon at nangalílibáng sa pag-iisip ng isang gabing lipus kasayahan, nguni't walang isá mang hihilig na muli sa unan..... Mayroón akóng mğa regimiento at mga taong nasa aking kapamahalàan, pinapaniwala ko ang ilán na ang may utos ng panghihimagsik ay ang General, ang ibá'y pinaniwalà kong ang mga prayle ang may kagagawán; ang ilan ay binilí ko sa pangakò, sa katungkulan, sa salapi; ang marami, ang maraining marami ay kikilos upang makagantí, sapagka't nangasisiíl at sa dahiláng nátatayo sa kalagayang mamatáy ó pumatay.... Si kabisang Tales ay nasa sa lupà at sinamahan akó hanggang dito! Inuulit ko sa inyó ásásama kayó sa amin ó ninanasà ninyo ang málaán sa pagdaramdám ng aking mga kabig? Sa mga sandaling mapanganib ang hindi pag-ayon sa kanino man ay isang paglagay sa kamuhian ng dalawang pangkát na magkalaban.

Makáiláng hinaplós ni Basilio ang kaniyang mukha na waring ibig mágising sa isang bangungot: náramdamang ang kaniyang noo'y malamig.

-Magpasiyá kayó!-ang ulit ni Simoun.. At anó.... ang kailangan kong gawin?--ang tanong na ang tíngig ay pipi, baság, mahina.

-Isang bagay na lubhang madali ang tugón ni Simoun na ang mukha'y naliwanagan ng isang sinag ng pag-asa dahilang pamamahalaan ko ang kilusán, ay hindi ko maiiwan ang alin mang labanán. Kailangan ko, na saman- talang ang kaguluhan ay nasa iba't ibang pook ng siyudad, ay panguluhan ninyo ang isang pulutóng, igiba ang pintuan ng Sta. Clara at kunín ninyó doon ang isang tao na liban na sa akin at kay kapitáng Tiago ay kayó lamang ang ma- kakakilala.... Kayo'y hindi mapapanganib.

-Si María Clara!--ang bulalás ng binatà.

--¡Oh, si María Clara!-ang ulit ni Simoun, at noon lamang nagkaroon ng tunog na malungkót at malumanay ang kaniyang tingig-ibig ko siyang iligtás, upang iligtas lamang siya kung kaya ninasà ko ang mabuhay, nagbalik akó....