Sa gitna ng katahimikang naghahari sa bahay, na nabubulahaw lamang sa ilang mahinàng paghihilík na galing sa kabilang silid, ay nakádingíg si Basilio ng madalás na yabág sa hagdanan, mğa yabág na dumaan sa sa caida at tungo sa kaniyang kinalalagyán. Itinaás niya ang kaniyang ulo, nákitang nábukás ang pintuan at sumipót ang mapangláw na anyo ni Simoun, sa gitna ng kaniyang pagkakamangha.
Mula sa pagtatagpo nilá sa S. Diego, ay hindi pa nakikipagkita si Simoun, ni sa binatà, ni kay kapitang Tiago.
Anó ang lagáy ng may sakit? ang tanong na tiningnáng sumandali ang silid at nápatitig sa mga mumunting maninipis na aklát, na aming binanggit, na hindi pa napuputol ang mga dahon.
--Ang tibok ng puso ay babahagya.... ang pulsó ay mahinàngmahinà.... pagkain, ay hindi makakain ng anomán, ang tugóng marahan ni Basilio na malungkót ang ngiti sa magmamadaling araw ay pinagpapawisan ng katakot-takot.
At sapagka't nakikitang si Simoun, dahil sa tungo ng mukha, ay nakatingin sa mga tinurang mumunting aklát at sa pangingilag na muling mabanggit ang pinag-usapan sa gubat, ay nagpatuloy:
--Ang boông katawan ay nakakalatan na ng lason; bukas ó makalawa ay mangyayaring mamatay na wari'y tinamàán ng lintík.... ang lalòng maliit na sanhi, isang walang kabu- luháng bagay, isáng sulák ng kalooban ay mangyayaring ma- kamatay sa kaniya....
-¡Gaya ng Pilipinas!-ang mapanglaw na sabi ni Simoun. Hindi napigil ni Basilio ang isáng ngiwi, at sa dahiláng ipinasiya na niya ang huwag muling mapag-usapan ang bagay, ay nagpatuloy na wari'y walang anománg nádingíg:
-Ang lalong nakapagpapahinà sa kaniyú ay ang mga pagpapanaginip, ang kaniyáng mga pagkatakot....
--¡Gaya ng pamahalaan!-ang muling turing ni Simoun.
-May ilang gabi nang nágising ng walang ilaw at inakalang siya'y nabulag; nangguló ng katakottakot, naghinagpís at linait akó na ang sabi'y dinukit ko ang kaniyang mğa matá... Nang pumasok akóng may dalang ilaw ay pinag- kámalan akong si P. Irene at tinawag akóng kaniyáng tagapagligtás....