nangangaral. Bukód sa roón ay pinapangakuan siyá ni P.
Irene ng isang mabuting mapapasukan, isáng mabuting lalawigan, at pinabanaagan pa sa kaniya ang pangyayaring
siya'y máhalál na katedrátiko. Si Basilio namán, kahi't
hindi napadá dalá sa mga pag-asa, ay nagpápakunwaring naniniwalà at sumusunod sa iniuutos ng sarili niyang budhi.
Nang gabing iyon, samantalang itinatanghal ang Les Cloches de Corneville, si Basilio ay nag-aaral sa haráp ng isáng matandang dulang, sa tulong ng liwanag ng isang ilawang langis, na ang pantallang bubog na malabò ay nakatátakip at nakadídilím sa kaniyang mukha. Isáng lumang bungo, iláng butó ng tao, at ilang makakapál na aklát na mabuti ang pagkakahanay ay siyang nakakalat sa dulang na mayroon pang isang palanganang tubig at isang esponha. Isáng amoy apiang nanggagaling sa kanugnóg na silíd,' ay nakapagpapabigát sa hangin at nakapagpápaantók sa kaniya, nguni't ang binatà'y naglalaban sa pamag-itan ng pagbasa manakanaka sa kaniyáng noo't mğa matá, handa sa hindi pagtulog hanggang sa matapos ang aklát. Iyo'y isang ba hagi ng Medicina Legal at Toxicologia ni Dr. Mata, isáng aklát na kaniyáng náhirám at dapat isauli sa may-arì sa lalong madaling panahon. Ang katedrátiko ay ayaw magturo ng hindi alinsunod sa kumathâng iyón at si Basilio ay walang sapát na salapi upang makabili ng aklát na iyon sapagka't sa dahilang yaón ay bawal ng mga tagasurì sa Maynilà at kailangan ang subulan ang maraming kawani upang maipasok, ay malaking halaga ang hinihingi ng mga mang-aaklát. Buhós na buhos ang pag-iisip ng binatà sa kaniyang pag-aaral, kaya't hindi man pinansin ang ilang mumunting aklát na ipinadalá sa kaniyáng galing sa labás na hindi maalaman kung saan, mğa aklát na tumutukoy sa Pilipinas, na doo'y kasama ang sa kapanahunang iyon ay siyáng nápupuná ng lahát dahil sa masama at kalait-lait na pagpapalagay sa mga anák ng bayan. Walang kapanapanahón si Basilio upang sila'y mabuksán; marahil ay nakapipigil din sa kaniya ang pag-aalala na hindi masarap ang tumanggap ng isang pag-alimura ó isang paghamon at hindi makapagtanggól ó maka- tugón. Noon ngâ, ang paglilitis sa anó mang lathalà, ay nagpapabayàng dustâin ang mga pilipino, nguni't ipinagbabawal sa mga ito ang sumagot.