Jump to content

Page:Ang "Filibusterismo" - (karugtong ng Noli me tangere) (IA angfilibusterism00riza).pdf/230

From Wikisource
This page has been proofread.


— 224 —


sumbatán itó, sinásaktán, minumura; tinitiis ni Basilio na kinakalamay ang loob dahil sa batid na ang kaniyang ginágawa ay ikabubuti ng pinagkakautangan niya ng malaki, at kung gipít na gipít na lamang sakâ napapahinuhod; matapos masiyahan ang gawi, ang masamang hilig, ay bumubuti ang ulo ni kapitang Tiago, nalulumbay. tinatawag siyang anák, nápapaiyák sa pag-aalala sa paglilinkód ng binatà, ang mabuting pangangasiwà sa kaniyang mga paupaháng bahay at sinasabing siya niyang pamamanahan; malungkot na napapangiti si Basilio at iniisip na sa buhay na ito'y ginagantî pa ng mabuti ang pag-ayo sa masamang hilig kay sa pagtupád sa katungkulan. Ilindi bibihirang naiisip niyang pabayaan nang lumubha ang sakit at patunguhin sa libingan ang nag-aampón sa kaniyá, sa isáng landás na kinalatan ng bulaklak at magagandáng larawan, kay sa pahabain ang buhay sa pamag-itan ng pagtitipid.

--¡Hangál na tao akó!-ang madalás na sabi sa sarili -ang karamihan ay hangál at yayamang nagbabayad....

Nguni't inifiling ang ulo at inaalaala si Huli, ang malawak na kinabukasang nasa sa kaniyang haráp; iniisip niyang mabuhay nang hindi dudungisan ang kaniyang budhi.

Ipinatutuloy ang pangangalagang takda at nagbabantay.

Gayón man, ang may sakit ay lumulubhang untiunti sa araw araw. Si Basilio, na nagpasiyang untian ng untîan ang nahihitító kung di man ay hindi pinapayagang humitít ng higít kay sa karaniwan, ay natatagpuan niya sa panggagaling sa hospital ó sa isang pagdalaw na nákakatulog ang may sakit ng mabigát na tulog ng naáapian, na naglálawáy at namumutlang wari'y patay. Hindi mahulò ng binatà kung saan nanggagaling ang apian: ang mga tanging nagsisidalaw sa bahay ay si Simoun at si P. Irene, ang una'y bibihirang pumaroon, at itó namang isa'y walang humpay sa pagbibilin sa kaniyá na higpitán at huwag babaguhin ang pangangalagà at huwag punahin ang mga pagkamuhi ng maysakit, sapagka't ang unang dapat gagapin ay ang máiligtás.

-Tumupád kayó sa inyong katungkulan, bínatà,-ang sabi sa kaniya-tumupád kayo sa inyong katungkulan. At binibigyan siyá ng isang munting sermon na ukol sa bagay na iyon, sa pamagitan ng isang boông pananalig at sigabó, na si Basilio'y nagkákaroón tuloy ng pagkalugód sa