Jump to content

Page:Ang "Filibusterismo" - (karugtong ng Noli me tangere) (IA angfilibusterism00riza).pdf/229

From Wikisource
This page has been proofread.


— 223 —

-Huwag, mga ginoo-ang turing ni Pecson na gamit ang kaniyang tawang bungô--upang ipagsayá ang pangyayari ay wala ng lalong kapit kay sa isang piging sa magpapansít na ang maglilingkód ay mga insík na walang barò, ngunt't walang barò!

Dahil sa ang palagay ay lubos na mapangutya at napakagaspang ay tinanggáp; si Sandoval ang unaunang pumagakpák; malaon ng ibig niyáng mákita ang loob ng mga tindahang iyon na kung gabi'y waring masasaya at maraming tao.

At anng tumutugtóg pa namán nang orkesta upang simulán ang pangalawang bahagi nang tumindig ang ating mga binatà na iniwan ang dulaan sa gitna ng pagkakamangha ng lahát ng nároroon.

XXIII
ISANG BANGKAY

Si Simoun nga ay hindi naparoon sa dulàan. Sapól sa ika pitó ng gabi ay umalis nang ligalig at mapanglaw sa kaniyang bahay nakita siyang makalawang pumasok na ang kasama'y iba't ibang tao; ng ika waló ay nakita siya ni Makaraig na may binabantayan sa daang Huspital, sa kalapít ng konbento ng Sta. Clara, nang kasalukuyang tinutugtog ang mga kampanà ng simbahan nang iká siyam ay nakita siyang muli ni Camaroncocido sa paligid ng dulaan na nakipag-usap sa isang wari'y nag-aaral, pumasok at muling lumabás, at nawala sa dilím na ibinibigay ng mga puno.

-At anó sa akin?-ang sabing muli ni Camaroncocidó -¿anó ang mahihitâ kó sa pagsasabi sa bayan? Si Basilio, gaya ng sabi ni Makaraig, ay hindi rin nanood ng palabas. Ang kaawàawàng nag-aaral sapól ng manggaling sa San Diego upang tubusin sa pagkaalilà ang kaniyang katipang si Huli, ay muling hinarap ang kaniyang mga aklát, ang panahon niya'y dinádaan sa hospital, sa pag-aaral ó sa pagkakalinga kay kapitáng Tiago, na binabaka ang sakít nitó.

Ang may sakit ay naging ugaling bugnót; sa kaniyang masasamang sandali, kapag nanglalambót dahil sa kakauntian ng apian na pinupunyagi ni Basiliong napahinà, ay sinu-