-Gaya rin nang sabi ni D. Custodio, at nangahás pa ang tampalasan na ako'y hand ugán ng maligayang batì! Ang Lupong kumanyá ng kapasiyahan ng may palagay ay sang-ayon sa balak at naghahandog ng maligayang bati mga nag-aaral dahil sa kanilang pag-ibig sa inang bayan at nasang makapag-aral....
-Kung gayón?
-Lamang sa pag-aalaala sa ating mga gawain, at upang huwag mapawakawak ang layon, ang sabi, ay inaakalang nararapat na ang pamamahalà at pagsasagawa ng binabalak. ay isakamáy ng isá sa mga 'corporación," kung sakaling hindi ibigin ng mga dominiko na másama sa Universidad ang akademia.
Bulalás na sama ng loob ang sumalubong sa mga salitang itó: si Isagani ay tumindig, nguni't walang anománg sinabi.
--At upang makitang tayo'y kalahók sa pamamahalà sa akademia-ang patuloy ni Makaraig ay ipinagaganap sa atin ang paniningil ng mga ambagan at abuloy, na katungkulan nating ibigay sa isang ingat-yaman na ihahalál og "corporaclóng" mamámahalà, at ang ingat-yamang iyon ay magkakaloob sa atin ng katibayan ng pagkakatanggap....
-¡Kung gayo'y magiging kabisa tayo!-ang sabi ni Tadeo.
-Sandoval-ang sabi ni Pecson-naiyan ang guantes, saluhín ninyo!
-Puf! iyan ay hindi guantes, nguni't dahil sa amóy ay nawawanki sa isang midiás."
-At ang lalòng mainam-ang patuloy ni Makaraig-ay ang turò ni P. Irene, na tayo'y magpigíng ó kaya'y magdaos ng isang panapatang may mga sulô, dahil sa pangya. yari; isang pagpapahayag ng pagpapasalamat ng mga nag-aaral sa mga taong nakilahok sa usap na itó.
- Siya ngâ, matapos ang palò, ay umawit tayo at magpasalamat! Super flumina Babylonis sedimus!
--100, isang piging na gaya ng sa mga bilanggo-ang sabi ni Tadeo.
- Isáng piging na tayong lahat ay nakaluksâ at bumig. kás tayo ng mga talumpating ukol sa patay-aní Sandoval..
-Isáng panapatan na ang tutugtugin ay ang Marsellesa at mğa marcha fúnebre,-ang palagay ni Isagani.