Jump to content

Page:Ang "Filibusterismo" - (karugtong ng Noli me tangere) (IA angfilibusterism00riza).pdf/227

From Wikisource
This page has been proofread.


— 221 —


bagá ninyo na sa isang wikàng nápakasalát at walang katunógtunóg na gaya ng pransés ay mangyayaring magkaroon ng mga makatàng nápakalalaking gaya ng ating mga Garcilaso, ng ating mga Herrera, ng ating mga Espronceda at mga Calderón?

-Gayón mán-ang banggit ni Pecson-si Victor Hugo..... --Si Victor Hugo, kaibigang Peeson, si Victor Hugo, sakali't makatà, ay sapagka't utang niya sa España.... sapagka't kilalá na, isáng bagay na hindi mapag-aalinlanganan, bagay na tinatanggap ng sampung mga pransés na nangaiingít sa España, na kung si Victor Hugo ay may mataas na pag-iisip, kung makatà, ay sa dahilang sa Madrid siya nanirahan noong kaniyang kabataan, doon násimsím ang mga unang buko ng pag-iisip, doon nabuo ang kaniyang utak, doon nagkakulay ang kaniyang paghahakà, ang kaniyang puso'y naayos at sumipót ang mga magagandáng buko ng kaniyang pagkukurò.

At saka ang isa pa ay ¿sino si Victor Hugo? ¿Maipapantay bagá sa ating mga bago....

Nguni't ang pagdating ni Makaraig na ang anyo'y ma- lungkot at may isáng mapaít na nginti sa labi ay pumutol sa salaysay ng mananalumpati. Pigil ni Makaraig ang isang papel na iniabót kay Sandoval nang walang kaimík-imík.

Binasa ni Sandoval:

"Palapati: Ang sulat mo'y náhulí; iniharap ko na ang aking pasiya at sinang-ayunan. Gayón man, dahil sa waring na- hulaan ko na ang iyong nasà, ay linutas ko ang salitàan nang alinsunod sa nais ng iyong mga kinakandili.

Paparoon ako sa dulàan at aantabayanan kitá sa paglabas.

Ang iyong masuyong lapati,
CUSTODINING."

Kay buti ng taong iyán! ang bulalás ni Tadeo na halos malungkot.

-At ngayon? ang sabi ni Sandoval-wala akong bagay masamang nakikita dito, kundi bagkús pa ngâng mabuti!

- Oo, ang sagot ni Makaraig na ang ngiti'y mapait- inalutas ng sang-ayon sa kahilingan! ¡Katatapos ko pa lamang sa pakikipagkita kay P. Irene!

-At ano ang sabi ni P. Irene?-ang tanong ni Pecson.