Tinginang makahulugán, kindatan, bulalás na pag-aalinlangan, pagpapatunay at mga salitang paputólputól,
--¡Ibig mag sa Monte-Cristo!-anáng isá na ibig masa. bing mapagbasa.
-¡O taga dulot-kailangan ng Real Casa!-ang dugtóng ng lumalangit sa nagsalita na naninibugho na kay Simoun. Sa palko ng ating mga nag-aaral ay naiwan si Pecson, si Sandoval at si Isagani. Si Tadeo ay lumapit kay D. Custodio upang ito'y libanğín samantalang si Makaraig ay nakikipagkita kay Pepay.
-Wala, gaya ng sinabi ko sa inyó, kaibigang Isagani ang pahayag ni Sandavol na nagkikilós ng masagwâ, pinatatamís ang boses upang mádingíg siya ng mga binibining nasa palkong kalapit, ang mga anák ng mayamang may utang kay Tadeo-walâ, hindi taglay ng wikàng pransés ang mayamang tunóg niyang sarisari at maalindóg na taginting ng wikàng kastilà. Hindi ko mawari, bindi ko mahakà, hindi ko malirip ang ayos ng mga mánanalumpating pranses at nag-aalinlangan akó sa paniniwalà na nagkaroon at magkaroon ng alinsunod sa sadyang kahulugan ng salita, sa loob ng sadyang matatawag na mánanalumpati. Sapagka't huwag nating pagkámalan ang salitang mananalumpati at salitang mananatsát at madaldal. Sa lahat ng bayan ay mangyayaring magkaroon ng mga mananatsát at madaldal, sa lahát ng pook ng sangsínukob na tinitirahan ng tao, sa gitna ng mga malalamig at walang imík na mga inglés, gaya rin namán sa malikót at maramdaming pransés....
At ipinatuloy ang isang mainam na pagsasalaysay ng ukol sa mga bayan na sinamahan ng kanikanilang nakaiigayang mga hilig at mga taguring mataginting. Si Isagani'y sumasang-ayon sa pamag-itan ng pagtango, samantalang inaalala si Paulita na kaniyang nahuling nakatingin sa kaniyá ng isáng tinging nangungusap at may ibig sabihing maraming bagay. Ibig hulaan ni Isagani ang tinuturingan ng mga matáng iyon ¡iyon ang tunay na nagsasabi ng maraming bagay at hindi mapanatsát!
-At kayó na isáng makatà na umaalinsunod sa tunóg at sukat, anák ng mga Musa-ang patuloy ni Sandoval na ikinumpáy ng magandáng kilos ang kamáy, na waring binatì sa abot ng tingin ang siyam na magkakapatid-¿máaakalà