Jump to content

Page:Ang "Filibusterismo" - (karugtong ng Noli me tangere) (IA angfilibusterism00riza).pdf/225

From Wikisource
This page has been proofread.


— 219 —


pag-uunahán sa pagtungo sa bihisán upang dulutan ng maligayang bati ang mga artista, at ng mga tumutungo namán sa mga palko upang bumati sa babai, ang ilán ay nagpapahayag ng kanilang mga pasiyáng ukol sa dulà at sa mga artista.

- Hindi mapag-aalinlanganang si Serpolette ang tanging mabuti ang sabi ng isá na umanyông matalino.

-Ibig ko si Germaine, isang bulagáw na kaibigibig.

--Wala namang boses!

-At anó ba ang gagawin ko sa boses?

-Kung sa inam ng katawán, ay ang mataás!

-Peh!-aní Ben-Zaib-ang lahat ay walang kakabukabuluhán, wala isá mang artistang matatawag.

Si Ben-Zayb ay siyáng mánunuligsâ ng "El Grito de la Integridad" at ang kaniyang anyông mapagpawalang kabuluhán ay nagbibigay sa kaniyá ng katangian sa malá ng mga nasisiyahan na sa kakauting bagay.

- ¡Ni si Serpolette ay may boses, ni si Germaine ay may kariktáng kumilos, ni iyan ay músika, ni arte, ni anómáng bagay na may kabuluhán!-ang ipinangtapós na salitang ang anyo ay lubos na mapagwalang bahalà.

Upang makapagpanggap na mabuting manunuligsa ay walang ibang mabuting paraan liban sa pintasán ang lahát. Dalawang billete lamang ang ipinadala ng may ari ng palabás sa Pásulatán.

Sa mga palko'y ipinagtátanóng kung sino ang may art ng palkong walang lamán. Linalùan noon ang lahát sa chic, sapagka't siyáng huling dáratíog.

Hindi maalaman kung saan nagbuhat ang balità na ang palko ay kay Simoun. Ang bulungan ay napatunayan. Walâng nakakita sa manghihiyas ni sa butaka, ni sa bihisán, ni saan mang dako ng dulaan.

-¡Dátapwa'y nakita kong kasama ni Mr. Jouy kanginang hapon ang sabi ng ìsá.

--At nag-alay ng isang pamuti sa liig sa isá sa mğa artistang babai....

-¿Sa kangino sa kanilá?-ang tanong ng ilang babaing mausisà.

-Sa mabuti sa lahát, ang sinúsundán ng tingin ng Capitán General.