Jump to content

Page:Ang "Filibusterismo" - (karugtong ng Noli me tangere) (IA angfilibusterism00riza).pdf/223

From Wikisource
This page has been proofread.


— 217 —


taón, at, malakás na sinabi kay aling Victorina upang mádingíg ni Paulita at ito'y manalig sa kaniyang karunungan.

-Ang kahulugan ng servantes ay mga sirviente, ang doméstiques ay doméstico....

-¿At anó ang kaibhán ng mga servantes sa mga doméstiques? ang tanong ni Paulita,

Si Juanito'y hindi nanguntî.

-Doméstiques ang mga domesticado ó napaamò na: ¿hindî ba ninyo napupuná na ang ilan ay may astâng taong gubat? Iyan ang mga servuntes.

-¡Siyâ nga naman! ang dugtong ni aling Victorina- ang ilan ay may masasamang kilos.... at ang akalà ko pa namán na sa Europa ay pawàng may maaayos na ugali at.... nguni't sa dahilang nangyayari sa Francia.... ¡nákikita ko na!

- ¡Sst, sst!

Ngunit ang kagipitan ni Juanito ay nang dumating ang oras ng pagtatawarán at binuksan ang halang, ang mga alilàng nagpapaupá ay nangagsilagay sa piling ng kanikaniláng mga pahayag na nagpapakilala ng kanilang kinauukulan. Ang mga alilà, mğa şampû 6 labing dalawa, na anyong magagaspáng, nangakasuot ng librea at may daláng isáng sangáng maliit sa kamay, ay nangagsilagay sa ilalim ng pahayag na domestiques.

-Iyan ang mga maaamò nal-ang sabi ni Juanito.

-Tunay nga na ang mga asta ay waring hindi pa nalalaunan ang pag-amò-ang banggit ni aling Victorina— itingnan natin ang mga hindi pa lubós na amô!

Makaraan yaón, ang labing dalawáng dalaga na pinangunğuluhan ng masaya't maliksing si Serpolette, na ang mga suot ay ang lalong maiinam niláng kagayakan, ang bawa't isa'y may isang malaking kalangği sa baywáng, masasayá, nangakangiti, malulusog ang katawán, mabighani, ay nangagsilagay sa piling ng haligi ng mga servantes.

-Bakit? ang tanong na palagay na palagay ni Paulita diyán bagá ang mga taong bundók na inyong sinasabi?

-Hindi-ang tugong walang katigatigatig ni Juanito— nangagkamali.... nangagkápalít.... Iyáng mga huling dárating.

-¿lyáng mga dumáratíng na may mga daláng látigo?