Jump to content

Page:Ang "Filibusterismo" - (karugtong ng Noli me tangere) (IA angfilibusterism00riza).pdf/222

From Wikisource
This page has been proofread.


— 216 —


pagbiro ang pagsasabi kay Paulita, na, dahil sa mayroon namáng lalo pang magagandá ay ayaw siyang mapagod sa pagtingin sa malayò.... Si Paulita ay namumulá, tinatak- pán ng pamaypay ang mukha at palihím na tumitingin sa kinalalagyan ni Isagani, na hindi tumatawa ni pumapa- gakpák at nanonood na hindi pinúpuná ang palabás.

Si Paulita ay nagdamdám ng sama ng loob at panibughô; naiibigan kaya ni Isagani ang mga mapanuksóng mga ar- tistang iyon? Ang pag-aakalang ito'y nakapagpasama ng kani- yáng ulo kaya't bahagya nang nadingíg ang mga pagpuring ginawa ni aling Victorina kay Juanito.

Gináganáp na mabuti ni Juanito ang kaniyang tungku- lin; maminsan minsan ay umíilíng, tanda ng di kasiya- hang loob, at sa gayon naman ay nakadídingíg ng ubuhan, alingawngaw sa ilang pook; kung minsan ay ngumingitî, tumátango at makaraan ang sandalf'y umuugong ang pagak- pakan. Si aling Victorina ay wilingwili at nagkaroon na tuloy ng hangad na pakasal sa binatà sa araw na si D. Tiburcio ay mamatay. ¡Si Juanito ay marunong ng pransés at si de Espadaña ay hindi! At nagsimulâ na sa pagpapatanaw ng lambing sa binatà! Nguni't hindi nápupuná ni Juanito ang pagbabagong lakad, dahil sa minamatyagán ang isáng manĝa- ngalakal na katalán na nasa siping ng konsul na suiso: si Juanito na nakakita sa kanilá na nag-uusap sa wikàng pranses ay umaalinsunod sa nábabakás sa mukha ng da- lawá at sa gayong paraan ay nakapang-úulót ng buông buô.

Nagsunod sunod ang mga pangyayari, ang mga tao'y nagsunod sunod sa paglabás, mga masasaya at mapagpatawá gaya ng bailli at ni Grenicheux, mga dugong mahal at na- kalulugod gaya ng markés at ni Germaine: ang mga nano- nood ay nagkátawanang mabuti dahil sa tampál ni Gaspard na patungkol sa duwag na si Grenicheux nguni't ang naka- tanggap ay ang mahinahong bailli, sa peluka nitong umilan- dang, sa kaguluhan at sa kaingayan nang ibaba ang tabing. At ang kankán?-ang tanong ni Tadeo.

Nguni't agád na itinaas ang tabing at ang tagpuan ay naging anyông tiange ng mga alilà, may tatlóng haliging kinalalagyan ng mga sagisag at may daláng mga pahayag na servantes, cochers at doméstiques. Sinamantalá ni Juanito ang pagkaka-