Jump to content

Page:Ang "Filibusterismo" - (karugtong ng Noli me tangere) (IA angfilibusterism00riza).pdf/221

From Wikisource
This page has been proofread.


— 215—

Ang tugtugin ay huminto, nangagsialis ang mga lalaki, untiunting bumalik ang mga babai at nagsimula silá sa isang pag-uusap na walang nalinawang anomán ang ating mga kaibigan. Ang pinag-uusapan ay pagsirà sa isang hindi kaharap.

-Animo'y mga makáw sa magpapansít-ang sabing marahan ni Pecson.

-¿At ang kankan?-ang tanong ni Makaraig.

-Pinagtatalunan ang pook na lalòng bagay na pagsayawan ang tugong walang katawatawa ni Sandoval.

-¡Animo'y mga makáw sa magpapansít-ang ulit ni Pecson na masama ang loob.

Isang babaing kasama ang asawa ay pumasok ng mga sandaling iyon at lumuklók sa isá ng dalawang palkong wa- làng lamán.

Ang galaw ay wari'y reina at tinitingnan nang pawalang bahalà ang boong salas na waring ang ibig sabihin ay: "Náhuli pa ako kay sa inyó, talaksán ng mga tiwali at malalayo sa tunóg ng kampanà, dumating akong hulí pa kay sa inyó". Tunay nga, may mga taong pumaparoon sa mğa dulaan na kagaya ng mga burro sa takbuhan; nananalo ang huling dumating.

Nakakikilala kami ng mğa taong lubhang matitinô na aakyát na muna sa isang bibitayán kay sa pumasok sa loob ng dulàan bago simulán ang unang bahagi. Nguni't ang katuwaan ng babai'y hindi nagluwát; nakita ang isang palko na wala pang lamán; ikinunót ang kilay at kinagalitan ang kaniyang mahal na kabiyák at nag-ingáy nang di gayón na lamang kaya't ang maraming nároón ay nangayamót.

-¡Sst! Test!

-¡Ang mga hangál! wari'y marurunong ng pransés!-anáng babai na tumingin ng lubós na paalipusta sa lahát ng dako at tumitig sa palko ni Juanito na sa akalà niya'y doon nádingíg na nagbuhat ang isang walang pitagang sst.

Sadya ngang si Juanito ay may kasalanan; sa simulá pa'y kunwaring nauunawà niyáng lahát at umaastâng ngumingiti, tumatawa at pumapagakpák ng tamà, na waring walâng nakakakawala sa kaniya sa mga sinasabi. Gayóng hindi siyá umaalinsunod sa kilos ng mga artista sapagka't bahagya ng tumanaw sa pinaglalabasán. Sinasadya ng ma-