Si Serpolette ay nalilibid ng dalawang makiyas na opi- sial, ng isang mangdaragát at ng isáng abogado, nang má- kitang susubóksubók at pumapasok sa lahat ng pook at mga puwang ang isang mahabang ilóng na waring sa tulong noón ay sinisiyasat ang mga kababalaghán ng palabasan.
Pinigil ni Serpolette ang pagsasalita, ikinunót ang kílay, itinaas, binuksan ang bibig, at dalá ang kaliksihan nang isáng parisien ay iniwan ang mga humahangà sa kaniya at tinak- bóng wari'y isang torpedo ang ating mánunurì.
―Tíens, tíens, Toutau! mon lapín!-ang bulalás na hi- nawakan sa bisig si P. Irene at masayang inalóg-alóg itó samantalang ipinafilanláng sa hangin ang kaniyang matagin- ting na tíngig.
-Chut, chut! ang sabi ni P. Irene na nagpupumilit makapagkanlóng.
―Mais, camment! toi ici, grosse bete! Et moi qui t'croyais....
-'Fais pas d'tapage, Lily! ¡il faut m'respecter 'suis ici I'Pape!
Lubhang naghirap muna si P. Irene bago napahinuhod ang babai. Ang masayang si Lily ay lubhang nchantee sa pagkakatagp o sa Maynilà sa isang dating kaibigan na nag- papaalaala sa kaniya ng mga coulisses'xp ng dulaan ng Grande Opera. At yaón nga ang dahil kung kaya't si P. Irene, sa pagtupad sa kaniyang katungkulang pagiging kaibigan at pag- kámanunuri, ay nagsimula ng isang pagakpakan upang ma- palakás ang loob ng babai: karapatdapat namán si Serpolette sa gayón.
Samantala'y ináantáy ng ating mga binatà ang kankan; si Pecson ay nagkakandidilat, mayroon ng lahát ng bagay, ang kankán lamang ang wala. Nagkaroon ng isang sandali na kung hindi dumating ang isang taong may katungkulan ay magpapanuntukan na sana ang mga babai, mangagsasá- bunutan, dahil sa udyók ng mga taong nag-aantay, gaya ng ating mga nag-aaral, na makakita ng higit pa kay sa isáng. kankán.