ng nalalaman ni Tadeo ang kaniyáng abót, nguni't malakí
ang naitutulong sa kaniya ng mga salaysay ng katuturán
na inilathala ng mga pahayagan, at ang ibá pa'y natatak-
pán na ng sarili niyang bulaybulay.
-Oo-aniyá-mangagsásayaw ng kankán at ang babai ang siyang mamamahalà.
Si Makaraig at si Pecson ay humanda na en pakiki- matyág at nangakangiti na hindi pa man. Si Isagani'y sa ibang poók tumingín, nakukutyâng si Paulita ay naká- daló sa gayong pagtatanghál, at iniisip na dapat hamunin ng patayan sa kinabukasan si Juanito Pelaez..
Nguni't walang nápala ang káaantay ng ating mga bi- nata. Dumating si Serpolette, isáng kaigaigayang dalaga, na taglay rin ang gorrang bulak, na nangháhamón at matapang; Hein qui parle de Serpolette? ang tanong sa mga dalahirà, at ang kamay ay nasa bay- wang at ang astâ'y matapang. Isáng ginoo ang pumagakpák at pagkatapos ay sumunod ang lahát nang nasa butaka.. Si Serpolette, kahit hindi iniiwan ang anyo niyang maki- sig na babai, ay tumingin sa unang pumagakpák at ginantí itó ng isang ngiti, na nagpakita ng maliliit niyáng ngipin na wari'y isáng collar na perlas na nakasilíd sa isang lalag- yang tersiopelong pulá. Sinundán ni Tadeo ang tingin at nakita ang isáng ginoo, na may balátkayông miyas at may isáng nápakahabang ilong.As 9m> iyam of mise Calabanga al chápiro!-aniya-isi Irenillo!
―Oo―ang sagot ni Sandoval-nakita ko sa loob, na ka- usap ng mga artistang babai.
Siya nga, si P. Irene, na isáng mawilihing lubha sa. músika at nakatataho nang pransés, ay pinaparoon ni P. Salvi sa dulàan na wari'y wari'y isang polisiya sekreta: gayón ang kaniyang sabi sa mga taong sa kaniya'y ma- kákilala. At gaya ng mabubuting mánunuri na hindi na- sisiyahang tingnan mula sa malayò ang mga bagay bagay, ay tinangka niyang siyasatin sa malapit ang mga artista; nakihalò sa pulutong ng mga mangliligaw at makikisig, pu- masok sa bihisán na pinagdadausau ng mga satsatan at ang wikàng pransés na ginagamit ay papilipit, wikàng tindáng pransés, salitang malinaw na malinaw sa babaing nagtitindá kailan ma't ang mamimili ay laan sa pagbabayad ng mabuti.