Jump to content

Page:Ang "Filibusterismo" - (karugtong ng Noli me tangere) (IA angfilibusterism00riza).pdf/218

From Wikisource
This page has been proofread.


― 212 ―

Isáng matinding pagakpakan ang nakapukaw sa kaniyang pag-íisíp.

Kabubukás pa lamang ng tabing at náharap sa kaniyang mga mata ang masayang pulutong ng mga taong bukid sa Corneville na nangakasuot ng gorrang bulak at mabibigát na bakyang kahoy ang nasa paá. Ang mga babai, mğa anim ó pitong dalaga, na may pahid na pulá sa mga pisngi't labi, may malalaking guhit na itím sa paligid ng matá upang lalong pakinanğín itó, ay ipinamamalas ang kanilang mapupu- ting bisig, mga daliring puno ng brillante at mga hitàng ma- bibilog na war'y nilalik. At samantalang inaawit ang mga salitang normando na allez, marchez! allez, marchez! ay nanga- kangiti ng tiyakan sa mga nasa butakang umiirog sa kanilá, kaya't matapos na makatingin si D. Custodio sa palko ni Pepay, na wari'y ibig matunayang hindi itó gumagawa ng gayón din sa ibang nangingibig, ay itinala sa kaniyang ka- lupi ang kahalayang iyon, at upang lalo pang matunayan ay iniyukô pa ng kaunti ang ulo upang makita kung ang ipi- natatanaw ng mga artistang babai ay umaabot hanggang tuhod.

― ¡O, ang mga pransesang itó!-ang kaniyang bulong, samantalang ang pag-iisip ay nagbubuko ng mga pagpaparisparis at panukala sa isang dakong mataástaas pa ng kaunti.

Quoi v'lá tous les cancans d'la s'maine!.... ang awit ni Gertrude, isáng magandáng dalaga na sumusulyáp ng maka- hulugang sulyáp sa Capitán General.

―¡Magkakaroon tayo ng cancan!-ang bulalás ni Tadeo, ang nakakuha ng unang ganting palà sa pransés sa kani- yáng klase, at nakaulinig ng tinurang salita.-Mangagsásayaw ng cancan, Makaraig.

At masayang pinagkumos ang kaniyáng mga kamay.

Sapó ng buksan ang tabing ay hindi inaalumana ni Tadeo ang tugtugin; walâ siyáng hinahanap kundi ang ka- halayan, ang bagay na malaswa, ang salaulang anyo at kagayakan, at sa tulong ng kaunting prausés na kaniyang nalalaman ay tinatalasan ang pangdingíg upang huwág má- palampás ang mga salitang malalansá na ipinamalità ng mga mahihigpit na tagá ayos ng bayan.

Si Sandoval, na nagsasabing mabuti siyá sa pransés, ay naging warì tagasalin ng kaniyáng mga kaibigan. Gaya rin