Jump to content

Page:Ang "Filibusterismo" - (karugtong ng Noli me tangere) (IA angfilibusterism00riza).pdf/217

From Wikisource
This page has been proofread.


― 211 ―

¿Ano ang nangyari sa binatà?

Nang pumasok si Isagani sa dulaan ay nakita si Paulita. sa isang palko at kinakausap ni Juanito Pelaez. Siya'y na- mutla't sinapantahàng siya'y nagkamali. Nguni't hindi, sadyang ang binibini ang nároroon na bumabati sa kaniya ng isang masarap na ngiti samantalang ang magagandáng matá y waring humihinging tawad at nangangakong izásaysay ang sanhi noon. Sadyâ ngâng siláng dalawa'y nagkasundo na si Isagani muna ang papasok upang tingnan kung sa palabás ay walang anománg hindi nárarapat mápanood ng isang binibini, at saka ngayon ay natagpûán doon na kasama pa naman ng kaniyang kaagaw. Ang dumanas sa kaluluwa ni Isagani'y hindi maisasaysay galit, panibugho, pagkaduhagi, pagdaramdám, ang bumayo sa kalooban ng binatà: may sandaling ninasà na ang dulàan ay gumuhô; tinangkang humalak hák ng malakás, alimu- rahin ang kaniyang iniibig, hamunin ang kaniyang kaagáw, gumawa ng guló, nguni't ang nayari sa kaniyang loob ay ang umupông dahandahan na lamang at huwag tingnan ni minsan ang binibini. Nádidingig ang mga munakala nina Makaraig at Sandoval, nguni't wating sa kaniya'y malalayong alingawngaw ang gayón: ang mga himig ng balse ay waring malulungkot at nakahahambal sa ganáng kaniya; ang mga nároroon ay pawàng hungháng at balíw, at makáilang ki- nailangan niya ang magpigil upang maimpft ang pagluhà. Bahagya na niyáng nápuná ang nangyari sa ginoong ayaw tumindíg sa butaka at ang pagdating ng Capitan General; ang tinatanaw niya ay ang tabing ng paglalabasán na may pintang anyông dáanan, sa pag-itan ng malalaking tabing na mapupulá, na tanáw ea isáng hálamanáng sa gitna'y may daluyan ng tubig. ¡Gaano kalungkót, sa wari niya, ang daanang yaon at gaano kalamlám nang anyo nang tána- win! Libo-libong pagbubulay na walang linaw ang sumisipót sa kaniyang alaala, na wari'y malalayong ulinignfg ng tug- tugang nádidingig sa kinagabihán, wari'y himig ng isang awit ng panahon ng kabataan niya, alingawngaw ng ulilang kagubatan at mapapanglaw na batisan, mga gabing may buwan sa tabi ng dagat na nalalatag ng boong kalaparan sa haráp ng kaniyáng pa- ningín.... At ang umiibig na binatàng nag-aakalang nápaka- sawing palad siyá ay tumingátingalâ sa bubungán upang ang mga paták ng luha'y huwag makapulás sa kaniyang mga matá.