may matigás na kalooban sapagka't inakalang siya ang sinu-
sutsután nádingíg ang takbuhan ng mga kabayo, náramda-
mán ang kilusán; ang sino man ay mag-aakalang su-
mabog ang isang himagsikan ó kun di man ay isang pag-
kakaguló; hindi, inihintô ng orkesta ang balse at tinng-
tóg ang marcha real; ang marangal na Capitán General
at Gobernador nang sangkapuluan ang dumáratíng: hinanap
siya ng lahát nang matá, sinundán siya ng tingin, nawala
at sa kahulihulihan ay nátanáw sa kaniyang palko, at, ma-
tapos na makatingin sa lahát ng pook at magawâng mapa-
lad ang ilan sa pamag-itan ng isang makapangyarihang batì,
ay umupo na waring isang tao sa ibabaw ng isang sillón na
nag-aantay sa kaniya. Sakâ pa lamang huminto ang mga
artillero at tinugtóg ng orkesta ang pasimula.
Ang ating mga nag-aaral ay nasa isang palkong katapát ng kinalalagyan ng mananayaw na si Pepay. Ang palkong ito'y handóg ni Makaraig na nakipag-alám na sa babai upang mapalambót si D. Custodio, Nang hapong iyon ay sumulat si Pepay sa bantóg na mamamalagáy, na nag-aantay ng kasagutan at tinipanáng magtagpo silá sa dulàan. Dahil dito, kahi't na pinakalabánlabanan ni D. Custodio ang operetang pransés, ay naparoon din sa dulaan, bagay na naging sanhi ng mga pasaríng na pinatatamà sa kaniya ni D. Manuel, ang kaniyang malaon nang kalaban sa mga pulong ng Ayuntamiento.
―¡Naparito akó upang hatulan ang opereta!-ang tugón na wari'y isang Catón na nasisiyahan sa sariling budhi.
Si Makaraig nga ay nakikipaghudyatan sa tingin kay Pepay na ang ibig sabihin nito'y mayroong ipababatíd; at sa dahilang masaya ang mukha ng mánanayaw, ay sinasapantahà na ng lahat na ang tagumpay ay napagtibay na. Si Sandoval, na kararating pa lamang na galing sa pagdalaw sa ibang palko, ay nagpatibay na ang kapasiyahan ay naging sang-ayon, at ng hapon ding yaón sinuri ng kataastaasang lupon at sinang-ayunan. Pawà ngâng kagalakang lahát; sampû ni Pecson ay nakalimot sa kaniyang pagka di mapaniwalàín sa mabubuting balità dahil sa námamalas na si Pepay ay na- kangiting ipinakikita ang isang sulat; si Sandoval at si Ma- karaig ay kapuwa nagdudulután ng maligayang bati, si Isa- gani lamang ang natitirang malamig at bahagya nang mángiti.