bikas, na wari'y mga estatua, at pinagágaláw ang mga suót
na singsing, lalong lalo na kung inaakalàng sila'y tinutudlâan
ng walang humpay na kátitingin ng isang largabista; ang
iba'y bumabati sa gayóng babai ó binibini na iniyuyuko ng
kaunti ang ulo, samantalang ibinubulong sa kalapít na:
―¡Kakutyâkutyâ! inakaiinís!
Ang babai'y sásagot sa pamagitan ng lalòng masarap ni- yáng ngiti at isáng kalugódlugód na galaw ng ulo, at bu- mubulong sa kaibigang nakikisang-ayon, sa pagitan ng dala- wáng galaw na banayad ng pamaypay, na:
―¡Napakamahangin! Ulól na sa pag-ibig.
Samantala namá'y dumádalas ang kápapalò: ¡bum, bum, bum! itok-tok-tok! wala nang natitirang walang lamán kungdi dádalawang palko at ang sa General na natatangi dahil sa mga tabing na tersiopelong pulá. Ang orkesta ay tumugtóg ng isá pang balse, ang taong naroroón ay tumututol; ma- buti na lamang at dumating ang isang maawaing magiting na nakalibáng sa madla't nakapagligtas sa may ari ng pa- labás; isáng ginoong umupo sa isang butaka at ayaw tu- mindíg ng dumating ang may-ari ng luklukan, na dilì iba't ang mapagbulaybulay na si D. Primitivo. Nang makita ni D. Primitivo na hindi makahinuhod sa taong iyón ang ka- niyang pangangatwiran ay tinawag ang tagá-ayos.-¡Ayokong tumindíg ang tugón ng magiting na lalaki na hinihitit na payapang payapà ang kaniyang sigarilyo. Ang tagá-ayos ay lumapit sa namamahalà.-¡Ayokong tumindig! ang ulit at nagpakabuti sa pag-upô. Ang namamahalà'y umalis saman- talang ang mga artillero sa entrada ay sabáysabáy na uma- awit ng:
―¡Sa hindi! ¡Sa oo! ¡Sa hindi! ¡Sa o0! Ang taong iyon, na nápuná nang lahát, ay nag-akalàng ang pag-urong ay ikabababâ niya, kaya't nangunyapít sa butaka sa- mantalang inuulit ang kasagutan sa dalawáug veterana na tina- wag ng namamahalà. Alang-alang sa tinatagláy, na katung- kulan ng naglalabán ay tinawag ng mga bantay ang kabo, samantalang ang lahat ng taong naroroon ay bumigay ng matinding pagakpakan at pinupuri ang katigasan ng ginoong iyon na patuloy rin sa pagkakaupo na wari'y isang senador romano. Nádingíg ang pasuwitan at galít na lumingón ang ginoong 14