Jump to content

Page:Ang "Filibusterismo" - (karugtong ng Noli me tangere) (IA angfilibusterism00riza).pdf/214

From Wikisource
This page has been proofread.


― 208 ―


mihan ay puno ng mga babai, ay nag áanyong pangnán ng bulaklák, na ang mga talulot ay pinagágaláw ng mahi- nàng simuy (ang tinutukoy namin ay ang mga pamaypáy) at doo'y naghuhumbahan ang libo-libong hayophayupan. Sa dahilang may mga bulaklak na masasaráp ó matitindi ang amóy, mga buláklák na pumapatay at mga bulaklak na nakaáalíw, sa mga pangnán ng ating dulaan ay nasasamyo rin ang mga gayóng amóy, nakadidingig ng mga salitàan, usapan, mga salitang sumisigíd at ngumangatngát. May tatló ó apat na palko lamang ang walang lamán kahì't nápakagabi na; ikawaló't kalahati ang takdang pagsisimulá ng palabas, nguni't kulang na lamang ng labinglimáng mi- nuto sa ika siyám ay hindi pa itinátaás ang tabing sapag- kâ't ang Capitan General ay hindi pa dumáratíng. Ang mga nasa entrada general, iníp na't sikî sa kanilang mğa uupán, ay nanggúguló na't nag-iingay sa kápapadyák at kápapalò ng mga tungkód sa tuntungan.

―¡Bum, bum bum! ¡buksán na ang tabing! ¡bum, bum,

Ang mga artillero ay siyang lalong maiingay. Ang mga kaagaw ni Marte, gaya ng tawag sa kanila ni Ben-Zayb, ay hindi nasisiyahan sa tugtuging itó: sapagka't inaakalà marahil na sila'y nasa sa isáng '"plaza de toros"' ay binabati ang mga babaing magdaan sa kanilang harap ng mga sa- litang dahil sa pabaligtad na banggit ay tinatawag na bulaklák, sa Madrid, gayóng kung minsan ay nangahahawig sa umaalingasaw na yamutmót. Hindi pinapansin ang mğa pagalít na tingin uğ mğa asawa at ipinahahayag nang malakás ang mga damdamin at mga pagnanasàng pinabubukál sa kanilang kalooban ng gayong karaming kagandahan.....

Sa mga butaka, na waring kinatatakutang babâán ng mga babai, sapagka't wala roón ni isá man sa kanilá, ay isang alingawngaw nang bulongbulungan ang naghahari, tawanang pinipigil, sa gitna nang ulap na asó.... Pinagtátalunan ang kabutihan ng mga artista, pinag-uusapan ang mga kaguluhan, na ang General ay nakipagkagalit sa mga prayle, na kung ang pagparoon ng General sa palabas na iyon ay isang paghamon ó isáng pagnanasà lamang na makákita; hindi ang mga bagay na itó ang iniisip ng iba kungdi ang akitin ang paningin ng mga babai sal tulong ng pag-upông ma-