Nang mga sandaling iyon ay nagsimula ang orkesta sa pagtugtog ng isang balse.
―¿Nákikita mo ang ginoong iyán? Liyang payagót na bibiling-biling ang ulo at naghahanap na siya'y batiin? Iyan ang bantóg na Gobernador sa Pangasinan, isáng taong hindi makakain kapag may isáng indio na hindi nagpugay sa kaniya.... Kaunti nang mamatay kung di nálagda ang bando ng pagpupugay na siyang sanhi ng kaniyáng kaban- tugan. ¡Kaawa-awang tao! may tatlong araw pa lamang na kagagaling niyá sa lalawigan at igaano na ang ipinangaya- yat! io! Inariyán ang dakilang tao, ang di matingkalâ, ibu- kás mo ang iyong mga matá!
―¿Sino? ¿Iyang nakakunót ang kilay?
―Oo, iyán ang si D. Custodio, ang labusaw na si Don Custodio, nakakunót ang kilay sapagka't may iniisip na ma- kabuluhang panukalà.... Kung maisásagawa lamang ang lamán ng kaniyang utak ay ibá sana ang lakad! ¡Ah! iná. ririto't dumáratíng si Makaraig, ang iyong kasambahay!
Tunay ngâ, dumáratíng si Makaraig na kasama si Pec- son, si Sandoval at si Isagani.
Nang makita silá ni Tadeo ay sumalubong at binati silá.
―¿Hindi ba kayó paparito?-ang tanong ni Makaraig.
―Walâ na kaming inabot na billete....
―Mabuting pagkakátaón, mayroon kaming isang palko ―aní Makaraig―si Basilio ay hindi makapaparito.... sumama na kayó sa amin.
Hindi na naantay ni Tadeo na ulitin ang anyaya. Ang baguhan, sa pangingilag na makagambalà, dalá ng katakutang taglay ng sino mang provinciano, ay nagdahilan at hindî nagawang siya'y mapapasok.
Ang anyo ng dulaan ay masimbuyó; punôngpunô, at sa entrada general, sa mga daanan ay maraming tao ang nakikitang nakatayo, nagkakahirap sa pagtataás ng ulo ó makasilip man lamang sa pagitan ng isang lifg at isáng tainga. Ang mga palkong walang takíp, na ang kara-