Jump to content

Page:Ang "Filibusterismo" - (karugtong ng Noli me tangere) (IA angfilibusterism00riza).pdf/212

From Wikisource
This page has been proofread.


―206—


nagpapalagay na sila'y makipasok sa mga artista sa isang pintuan ay ang binatang manggagamot na si M, na nakagawâ na ng maraming mabubuting paggamót; siya man ay sinabi ring maaasahan.... hindi lubhang kubà na gaya ni Pelaez, nguni't higit dito sa katalasan at lalo pang palabirô. Ina- akala kong sampung si kamatayan ay hinihilo at pinagsi- sinungalingán.

―¿At iyang ginoong kayumanggi na ang miyas ay wari'y tutrang?

―¡A! iyan ang mángangalakál na si F, na ang lahat ng bagay ay pinagdadayàan, sampû ng kaniyang fe de bautismo: pi- nagpipilitan niyang maging mistisong kastilà sa lahát ng paraan at iniuubos ang boong kaya upang malimot ang sarili niyang wikà.

―Dátapwa'y nápakapuputi ang kaniyang mga anak na babai....

―¡Oo, at iyan nga ang sanhi kung bakit mataas ang halaga ng bigás, gayong wala namang kinakain iyan kundi tinapay.

Hindi malinawan ng baguhan ang pagkakálahók ng halagá ng bigás sa kaputian ng mga dalagang iyon,

―Náriyan ang lumilígaw, iyáng binatang payát, kayu- manggi, ang lakad ay mahinay na sumúsunód sa kanila at bumating anyong mapag-ampón sa tatlong magkakaibigang nangagtatawa sa kaniya.... iya'y isang nagbábatá nang dahil sa kaniyang mga akalà, sa kaniyang panununtón sa násabi.

Ang baguhan ay nagtaglay ng paghanga at paggalang sa binatà.

―May kilos hangal, at hangál ngang sadya, ―ang pa- tuloy ni Tadeo―tubò iyan sa S. Pedro Makatí at di gumá. gamit ng maraming bagay kailan ma'y hindi naliligò ni hindi tumitikim ng baboy, sapagka't sang-ayon sa sabi niya'y hindi kumakain noon ang mga kastila at dahil din sa kat- wirang iyon ay hindi kumakain ng kanin, patís ni bagoong, kahit na siya mamatay ng gutom at magtulo ang kaniyang laway.... Lahát ng galing sa Europa, bulók ó nalimbák, ay masarap na masarap sa kaniya, at may isang buwan pa lamang na iniligtas siya ni Basilio sa isang pamamaga ng sikmurà: kumain ng isang pasôpasôang kelwa upang ipaki- lalang siya'y europeo!