Nang si Paulita'y makapasok nå ay nagpatuloy si Tadeo:
-Iyán ang mga pamangking babai ng mayamang si kapitáng D, iyang nangakasakay sa landó; ¿nakikita mong napakaganda't napakainam ng pangangatawan? Sa loob ng iláng taón marahil ay pawang patay na ó baliw.... ayaw si kapitáng D, na sila'y manğag-asawa, at nahahalata na Sa mga pamangkin ang pagkakahawa sa kabaliwán ng amaín..... Iyan ang binibining E, ang magmamana ng isang malaking kayamanan, na pinag-aagawan ng mundó at ng mga kombento... ¡Huwag kang umimík! ¡iyan ay nakikilala ko! isi Padre Irene! nakabalat-kayo, may miyas na huwad lamang! ¡Nakikilala ko dahil sa kaniyang ilong! ¡At siya pa namang labang- laban!....
Gulilát na tiningnán ng baguhan at nakitang nákanlóng ang isang lebita na mabuti ang tabas sa isang pulutong ng mga babai.
-¡Ang tatlong Parka!-ang patuloy ni Tadeo ng má- kitang dumarating ang tatlong dalagang mga yayát, mabutó, nangangalumatá, maluluwang ang bibig at masagwa ang bihis, -ang mga pangalan niyan....
-¿Atropos? ang hinàng sabi ng baguhan na ibig magpakitang siya'y may kaunting kaalamán, kahì't sa mitolohiya man lamang.
- Hindi, tao ka, ang mga pangalan niyan ay mga bi- nibini ni Balcón, mga mapamintás, mğa matatandang dalaga, mamumulà.... Ang lahat ay kinamumuhian, ang mga lalaki, ang mga babai. ang mga batà.... Nguni't tingnan mo't sa piling ng kasamàán, ay inilalagay ng Dios ang lunas, kung minsan ngâ lamang ay nahuhulí. Sa likod ng mga Parca, na panakot sa bayan, ay dumarating ang tatlong iyan, na ipinagmamalaki ng kanilang mga kaibigang kinabibilangan ko. Iyang binatang payát na malalaki ang matá, hukód ng kaunti па ang kilos ay madalás dahil sa hindi umabot ng billete, iyan ay ang kímikong si S, sumulat ng maraming pagsusuri at mga gawàing ukol sa karunungan na ang ilán ay nagtamó ng gantíng palà at nábantóg na lahát; ang sabi ng mga kastilà sa kaniya'y maaasahan, maaasahan.... Ang umaawat sa kaniya na ang tawa'y gaya ni Voltaire ay ang makatàng si T. batang matalino, matalik kong kaibigan, at dahil nga sa kaniyang katalinuhan ay itinapon ang panitik. Ang isá na