Jump to content

Page:Ang "Filibusterismo" - (karugtong ng Noli me tangere) (IA angfilibusterism00riza).pdf/210

From Wikisource
This page has been validated.


-204-


limangsikapat at labingdalawang kualta? Nguni't sino ba namán ang sisingil sa isáng mayamang gaya niyan?

May utang sa inyo ang ginoong iyan?

-¡Mangyari! isáng araw ay iniligtás ko siyá sa isáng kagipitan; isáng biyernes, iká pitó't kalahati ng umaga; naaalala ko pa hindi pa akó nakapag-aagahan noon.... Ang babaing iyan na sinusundán ng isang matandang babai rin ay si Pepay na mánanayaw.... ngayo'y hindi na nag. sasayaw sapul ng.... ipinagbawal sa kaniya.... ng isang ginoong napakakatóliko at matalik kong kaibigan... Náriyan ang bulugang si Z: matitiyák na sumusunod kay Pepay upang ito'y pasayawing muli. Isáng mabuting tao na matalik kong kaibigan, wala kundi isáng kapintasan: siya'y mistisong insík at nagpapanggap na tagá España. ¡Est! Tingnan mo si Ben-Zay b, iyáng mukhang prayle, na may daláng lapis sa kamáy at isáng balumbóng papel, iyán ang dakilang manunulat na si Ben-Zayb, matalik kong kaibigan; may isáng katalinuhan!....

-Mawalang galang sa inyó at iyáng munting tao na may mga patillang puti?....

-Iyán ang naghalal sa kaniyang tatlong anák na ba- bai, iyang tatlong maliliit, na mga auxiliar de Fomento upang makasingil ng sahod sa talaan ng Pamahalaan...... Iya'y isáng ginoong matalas ang pag-iisip, nguni't nápakatalas! gagawa ng isang kanlulán at ibibintáng.... sa ibá; bibilí ng isang barò at ang nagbabayad ay ang kabangbayan. Matalas, matalas na matalas, nguni't nápakatalas!....

Si Tadeo ay napahintô.

-At iyáng ginoong may astâng mabangis at ang lahát ng tao'y tiningnán ng paalipustâ?-ang tanong ng baguhan na itinurò ang isang taong iginagalaw na mapalalò ang ulo.

Nguni't si Tadeo ay hindi sumagót, inihabà ang liig upáng tanawin si Paulita Gómez na dumáratíng na kasama ang isang kaibigan, si aling Victorina at si Juanito Pelaez. Binigyán silá nitó ng isang palco at lalo pa mandíng kuba kay sa karaniwan.

Dating at dating ang mga sasakyán, dumarating ang mga artista na sa ibang pintuan ang pasok at sinúsundán ng mga kaibigan at mga ligaw.