-ang sabing nagmataás ni Tadeo-ako'y gumagawa nang mabuti, nguni't hindi ako nag-aantay na gantihín.
Kinagát ng baguhan ang kaniyáng mga labi, lalo pang nanguntî at naglagay ng magalang na layo sa pag-itan niya't ng kaniyang kababayan.
Nagpatuloy si Tadeo:
-Iyan ang músikong si H.... Iyan, ang abogadong si J. na bumigkás, na wari'y kaniya, ng isang talumpating nakatitik sa lahát ng aklát, at siya'y pinuri at hinangaan ng mga nakinig.... Iyang bumábaba sa isang hansomkab ay ang manggagamot na si K, na ang lalò niyang pinagsisikapan ay ang sakit ng mga bata, kaya't pinanganlán siyang IIerodes.... Iyan ang mayamang si L, na walang nasasabisabi kundi ang kaniyang mğa kayamanan at mga balaid.... ang makatang si M, na lagi nang tumutukoy sa mga bituin at sa mga bagay bagay ng dako pa roon.... Hayán ang magandáng asawa ni N, na palaging natatagpuang wala ang asawa kung dinadalaw ni Padre Q.... ang mángangalakal na hudiong si P, na isang libong piso ang dalá nang pumarito at ngayo'y mayroon nang mga angawangaw.... Iyong may mahabang balbás ay ang manggagamot na sí R, na yumamang hindi dahil sa pagpapagaling kundi sa paggawa ng maysakit...
-¿Gumagawa ng maysakit?
-Oo, sa pagsisiyasat sa mga nasusundalo.... huwag kayong kumilos! lyang kagalanggalang na ginoo na maayos ang pagkakabihis, ay hindi médiko, nguni't isáng manggagamot sui generis'; taglay niyang buongbuo ang similia similibus.... Ang kapitán sa kawal na kabayuhan na kaniyang kasama ay siyá niyáng pinakagigiliw sa mga nag-aaral sa kaniyá.... Iyáng may suot na putián at ang sambalilo'y nakakiling, ay ang kawaning si S, na ang batayán ay ang kailan ma'y huwag magpakita ng ugaling magalang at muhingmuhi ka pag nakakita ng isang sombrero na naka. patong sa ulo ng ibá; sinasabing ginagawa niya ang gayón upang huwág mábilí ang mga sombrerong alemán.... Iyáng dumarating na kasama ang kaniyáng ának ay ang mayamang mángangalakal na si C, na kumikita ng mahigit sa isáng daang libo.... nguni't lanó ang wiwikain mo kung sabihin ko sa iyó na may utang pa sa aking apat na piso,