guhan ay napakatalogigi't mausisà, at sinasamantala naman ni
Tadeo ang kaniyang kamangmangán at di kaalamán upang pagsalaysayán ng lalong malalaking kasinungalingan.
Bawà't kas-
tilang bumati sa kaniya, maging may mababang katungkulan ó
kawaní sa mga tindahan, ay sinasabi sa kaniyang kasama na
yaon ay pinunò sa isang kawanihan, markés, konde, at ibp.;
dátapwa'y pag patuloy ang paglakad, ipsh! yaò'y isang bulagbul,
isáng oficial quinto, isáng taong walang gaanong kabuluhan !
At pag wala nang naglalakád, na makapagpahangà sa baguhan ay ang mga magagarang sasakyan namang dumadaán
ang hinaharáp; si Tadeo ay bumabati ng mainam na ayos,
ikákaway nang malugód ang kamay, bibitiw ng isang ladios!
na matiwalà.
-¿Sino yaón?
-¡Bah! -ang sagót na parang walang anomán-ang Gobernador Civil.... ang Segundo Cabo.... ang Mahistradong gi gayón.... ang asawa ni.... na mga kaibigan ko!
Ang baguhan ay náhahangà, nakatangáng siya'y pinakikinggan at nag-iingat upang huwag mápalagay sa kanan ng kausap. Si Tadeo ay kaibigan ng mga mahistrado at mga gobernador!!
At tinuturan sa kaniya ni Tadeo ang pangalan ng lahát ng dumáratíng, at, paghindi niya kilalá, ay gumagawa ng mga banság, mğa kasaysayan at nagsásaysáy ng mga sari-saring bagay.
-¿Nákikita mo ba iyong taong mataas, na may patilyang itim, duling ng kaunti, na itim ang suot, yaón ang mahistrado A, kaibigang matalik ng asawa ng koronel B; isang araw ay kaunti nang mag-away ang dalawang iyan kung hindi ako namagitna.... ¡adiós! Tingnan mo, hayán at dumáratíng pa námán ang koronel, mag-away kaya ang dalawa?
Pinigil ng baguhan ang paghingá, nguni't ang koronel at ang mahistrado ay malugód na nangagkamayan ang mi litar, na isang matandang bagongtao, ay nagtanong ng kung ano ang lagáy ng mga kaanak ng kaharáp, at ibp.
-¡Ah! salamat sa Dios!-ang hingá ni Tadeo-akó ang may kapakanan ng kanilang pagkakásundo.
-Kung hilingin kayâ ninyo sa kanilá na tayo'y ipasok? -ang tanong na may kaunting pangambá ng baguhan.
-¡E! ¡Kailan ma'y hindi ako nangungutang ng loob!