Jump to content

Page:Ang "Filibusterismo" - (karugtong ng Noli me tangere) (IA angfilibusterism00riza).pdf/207

From Wikisource
This page has been validated.


—201—

—Huwag kayóng mag-alaala; ang General ay siyang nag-uutos; nguni't pag-iingatan ninyong huwág masasabi. Kung súsundin ninyó ang aking utos ay mátataás kayó.

—Opò.

—¡Kung gayo'y.... humandâ kayó!

Ang boses ay tumigil at makaraán ang ilang sandali'y lumakad ang sasakyán. Kahit na mapagwalang bahalà si Camaroncocido ay hindi rin nakapigil sa pagbulóng na:

—Mayroong binabalak.... ¡Kaingatan ang mga bulsá! At sa dahiláng náramdamang ang kaniyáng mga bulsá ay walang lamán, ay muling ikinibit ang balikat. ¿Anó ang mayroon sa kaniyá kung gumuhô man ang langit?

At nagpatuloy sa kaniyang pakikibatyág. Nang magdaan sa harap ng dalawá kataong nag-uusap, ay nádingíg sa isá, na may sabit sa liig na mga kuwintás at kalmén, na sinasabi sa wikàng tagalog, na:

—Ang mga prayle ay malakás pa kay sa General, hn- wag kang mangmáng; ito'y áalís at ang mga prayle'y maiiwan. Magawa lamang nating mabuti ay yayaman tayo. ¡Ang palatandaan ay isang putók!

—¡A bá, abá! ang bulong ni Camaroncocido na ipinípiksi ang mga daliri-doon ay ang General, at dito ay si P. Salvi... iKahahág-habág na bayan!.... Nguni't ¿anó ang mayroon sa akin?

At matapos na máikibít ang balikat na sabay sa pag- lurâ at dalawang ngiwi na sa ganang kaniya ay siyáng tanda ng lalong malaking pagwawalang bahalà, ay ipinatu- loy ang kaniyang pakikimatyág.

Samantala naman ay matutuling dumarating ang mğa sasakyán, biglang hihinto sa siping ng pintuan at iiwan ang kanilang sakay na pawang tao sa mataas na kalipunan. Ang mga babai, kahi't bábahagya ang lamig ng gabi, ay may dalang maiinam na chal, mga pañolóng sutla at mga panglaban sa gináw; ang mga lalaki, ang mga naka frac at korbatang puti, ay gumagamit ng gabán; ang ibá'y bitbít na lamang at ipinatátanáw ang mga panapíng sutlá.

Sa pulutong ng mga talogigi, si Tadeo, ang nagkakasakít kung pumapanang ang guro, ay kaakbay ng kaniyang ka- babayang baguhan na namalas nating nagtiís ng inianák ng masa- mang pagkakabasa sa katotohanang sinabi ni Descartes. Ang ba-