—Marahil, Kiko, marahil, ―ang sagot ng kausap na tu- mingin sa langit-ang salapi'y untiunti nang nawawala....
Si Tio Kikò ay bumulóng ng ilang salita at pangungusap na di malinawan, kung ang mga prayle ay manghihimasok sa pagbabalità ng mga palabás dulaan ay papasok namán siyàng prayle. At matapos makapagpaalam sa kaniyang kaibigan ay lumayông uubóubó at pinakakalansing ang kaniyáng mga mamiso.
Si Camaroncocido, na taglay ang dati niyang pagwawalang bahalà, ay nagpatuloy sa pagyayao't dito na kaladkád ang paá at mapungay ang paningin. Nápuna niya ang pagda- tíng ng ilang mukhang hindi kilalá, na iba't ibá ang pi- nanggagalingan at nangaghuhudyatan sa pamagitan ng kin- dát, at pag-ubó. Noon lamang niyá nákita sa mga gayóng pagkakataon ang mga taong iyon, siyá, na nakakakilala sa lahát ng anyo ng mga naninirahan sa siyudad at sa lahát ng pagmumukha. Mga lalaking madidilim ang mukha, mğa hukót, mğa dî mápalagay at hindi máwasto at masama ang pagkakabalátkayo ng suot, na wari'y noon lamang nagsuot ng americana. Hindi nangagsisilagay sa unang hanay upang makápanood na mabuti, nangagkakanlóng sa dilím, na ring ayaw na sila'y mákita.
―¿Mga polisiya sekreta ó mğa magnanakaw?—ang tanóng sa sarili ni Camaroncocido at dagling ikinibit ang balikat- at ¿anó ba ang mayroon sa akin?
Ang parol ng isang sasakyáng dumáratíng ay tumangláw sa pagdaraan sa isáng pulutong ng apat ó limá ng mga taong yaón na nakikipag-usap sa isang wari'y kawal sa hukbo..
―¡Polisiya sekreta!, marahil ay isang bagong tatag na kawanihan—ang bulong niya.
At kumilos ng isang anyong nagwawalang bahalà. Nguni't makaraan yaon ay nakita ang militar, matapos na makipag-alám sa dalawá ó tatlong puluton pa, na tumango sa isáng sasakyán at waring nakipag-usap ng mahigpitan sa isáng nasa sa loob. Si Camaroncocido ay lumakad ng iláng hakbang at kahi't hindi námangha ay waring nakilala niyá si Simoun, samantalang ang matalas niyang pangdingíg ay nakáulinig ng ganitong maikling usapan:
—¡Ang palatandaan ay isang putók! —Opò.