lutas ang mga expediente; kundi bagkús pa ngang ang lahát ay pinababalik sa kinabukasan, dátapwâ'y hindi mangyayaring magalit ang kahi't sino: ang nakakaharap ay mga kawaning lubhang magagalang, masuyo, na tumátanggap sa
kanila at nagpapaalam sa pamagitan ng malalaking yuko na
ugaling pransés: ang mga kawani'y nangagsasanay, linilínis
ang kanilang pransés na inaamag at silá-silá'y nagbabatián ng oui monesiour, s'il bous plait, at pardon! sa bawà't kilos, bagay na lubhang kaigaigayang madingig at panoorin. Nguni't sa pásulatán ng mga pamaliayagan nároroon ang lalong galawan at ang kagipitan ay umaabot sa lalong malakí; si Ben-Zayb, na sinasabing siyáng mánunuligsa at naghulog sa wikàng kastilà ng kasaysayan ng palalabasín ay nangangatál na wari'y babaing násaplóng sa pangkukulam nakikita niyang ang kaniyang mga kalaban ay nagpupunyaging makahuli ng kaniyang mga kamalian at ipinamumukha sa kaniya ang di pagkabatid na mabuti ng pransés. Nang panahon ng Opera Italiana ay kakaunti nang mapasubò siya sa isang patayan dahil sa maling pagkahulog sa wikàng kastilà ng pangalan ng isang tenor; agadagád naglathalà ang isáng mainggitin at ipinalagay siyang walang namumuwangan, siya, ang una unang ulong nag-iisip sa Pilipinas! ¡Gaanong hirap ang sinapit niya sa pagsasanggalang! nangailangan siyang sumulat ng di lamang lalabing pitong palathalà at sumangguni sa labing limáng diksionario. At dahil sa mabuting pagkakaalaalang iyón, ang kaawàawàng si Ben-Zayb,
ay lumalakad na lubhang maingat na ang inilalakad ay kamáy,
hindi namin sinabing paa, upang huwag gayahan si P. Camorra
na may masamang ugaling ipintás kay Ben-Zayb na paa ang
ginagamit nitó kung sumusulat.
―¿Nákita mo na Kiko? ―ang sabi ni Camaroncocido―ang kalahati ng taong iyan ay naparito dahil sinabi ng mga prayle na huwag pumarito; ang gayo'y waring isang pahayag; at ang kalahati pa, sapagka't anilá sa sarili ay: ipinagbabawal ng mga prayle? kung gayo'y kátutuhan marahil. Maniwala ka sa akin, Kikò, ang mga palatuntunan mo ay mabubuti ngâ nguni't lalo pang mabuti ang pastoral, at idapat mong mabatid na walang isá mang nakábasa!
―Kaibigaaaan, ¿inaakala mo baga―ang tanong ni Tio Kiko na hindi mápalagay―na dahil sa kagagawan ni P. Salvi, ay alisin na kaya ang tínútungkol ko?