Jump to content

Page:Ang "Filibusterismo" - (karugtong ng Noli me tangere) (IA angfilibusterism00riza).pdf/204

From Wikisource
This page has been proofread.


— 198 —


mga kawani at ilang matataás na tao ay nangagnanasàng lumasáp ng kainaman ng wikàng pransés sa bibig ng mga tunay na parisien; kabilang nilá ang mga nálulan sa M. M. at nakagamit ng kaunti ng pransés sa paglalayág, ang mga nakadalaw sa París at lahát niyong mga ibig na masabing sila'y bihasa. Ang lipunan nga sa Maynilà ay nagkahati sa dalawang pangkát, ang mga sang-ayon at ang mga laban sa ópera, na pinayuhan. ng mga matatandang babai, mğa asawang mapanibughuin at nanganganib sa pag-ibig ng kanilang mga kabyák, at nang may mga katipán sa pag-aasawa, samantalang ang mga malayà't ang mga magagandá ay nangagpakilalang lubós siláng magiliw sa opereta. Nagsalimbayan ang mga sulatán, nagkaroon ng mga pagpaparoo't parito, salisalitàan, mga pagpupulong, mga pagliliponlipon, mga pagtatalo; natukoy na tulóy sampů ng panghihimagsik ng mga indio, ang katamaran, ang mga liping mababà't liping mataás, karangalan at iba pang kamulalàan, at matapos ang maraming hatidhatirang usap at maraming bulóng bulungan, ay ibinigay ang pahintulot, at si P. Salvi ay naglathala ng isang pastoral na walang bumasa kundi ang tagá ayos lamang sa limbagan. Nábalitàng ang General ay nakagalit ng Condesa na ito'y naninirahang madalás sa mga bahay líwaliwan; na ang marangal na pinuno ay nabugnót: na ang consul ng mga pransés ay gayón, na nagkaroon ng mga handog, at ibp., at nálahók sa usapan ang maraming pangalan, ang sa insík na si Quiroga, ang sa kay Simoun at sampû ng sa maraming artista.

Salamat sa nagpaunang alingawngaw na ito, ang pagkasabik ng tao'y naragdagán, at mulâ pa sa araw na sinusundan ng palabas, araw na idinating ng mga artista, ay walang napag-uusapan kundi ang pagpasok sa unang pagtatanghál. Sapol ng lumabas ang mapupuláng kartel na nagbabalità nang Les Cloches de Corneville ang mga nanalo'y humanda na sa pagdiriwang ng kanilang tagumpay. Sa ilang kawanihan, ay hindi na pinalalakad ang panahón sa pagbabasá ng mga pahayagan, kundi dinudumog ang mga kasaysayang limbág nang palalabasin, nangagbabasá ng mga nobelang pransés, at ang marami'y tumutungo sa palikuran na nagpapakunwaring initi upang makasangguni lamang ng palihím sa munting diksionariong pangbulsá. Nguni't gayón man ay hindi rin nalu-