lansangan matapos ang sunog―inápabuti ang kamay ko sa
pagdidikít ng mga kartel!
Muling ikinibít ni Camaroncocido ang kaniyang mga balikat.
―Kiko―ang sagót na maugong ang boses―kung anim na piso ang ibinigay sa iyo dahil sa gawa mo magkano kayâ ang ibibigay sa mga prayle?
Dahil sa kaliksihang likás ni Tio Kikò, ay itinaas ang ulo.
―¿Sa mga prayle?
―Sapagka't dapat mong maalaman ang patuloy ni Ca- maroncocido―na ang pagkapunông ito'y kagagawan ng mga kombento!
Sadya nga namang gayón, ang mga prayle na pinanğunğuluhan ni P. Salvi at ilang hindi pari na pinangunguluhan ni D. Custodio ay laban sa pagtatanghál na iyon. Si P. Camorra, na hindi makapanood, ay nanglilisik ang matá't tátakám takám; nguni't nakikipagtalo kay Ben-Zayb na malambót na nagtatanggól sapagka't naiisip ang billeteng walang bayad na ipadadalá sa kaniya ng may palabás. Pinagsasalitaán siya ni D. Custodio ng ukol sa maayos na hilig, sa pananampalataya, sa mabubuting kaugalian. at ibp.
―Nguni't―ang bulóng ng manunulat―ang ating mga dulang gainete may mga salitâ't pangungusap na dalawa ang kahulugan....
―¡Nguni't nasa wikàng kastilà namán!―ang pasigaw na putol ng mabait na konsehal, na nag-aalab sa banal na pagkagalit―¡mğa kahalayan sa wikàng pranses! tao kayó, Ben-Zayb, maanong alang-alang sa Poong Dios, isa wikàng pransés! ¡Iyán ay hindi dapat mangyari magpakailan man!
At ibinigkás ang hindi dapat mangyari magpakailan man! ng kasingtigás kung pagpipisanin ang tatlong Guzmán na pinagbabalàang pápatayán ng isang pulgás kapag hindi isinukò ang dalawang pung Tarifa. Gaya nang maáantáy, si P. Irene, ay kasang-ayon ni D. Custodio at nagtútungayaw sa operetang pransés. ¡Puf! Siya'y nátungo sa París, nguni't hindi man lamang tumuntóng sa pintuan ng isang dulaan; iligtas siyá ng Maykapal!
Nguni't marami din naman ang kasang-ayon ng operetang pransés. Ang mga opisiál sa hukbo at mga pangdigmang dagat, na sa mga ito'y kabilang ang ayudante ng General, ang