Jump to content

Page:Ang "Filibusterismo" - (karugtong ng Noli me tangere) (IA angfilibusterism00riza).pdf/201

From Wikisource
This page has been proofread.


― 195 ―


ni't lalo pa mandíng maganda ang anyo, at kung panini- walaan ang mga bulongbulungan, ay higit pa sa kanilang tingig at anyo ang kanilang kagandahang loob.

Ika pitó at kalahati pa lamang ng gabi ay wala nang billete ni para sa naghihingalong si P. Salvi, at ang mga papasok sa "entrada general" ay mahabang mahabà ang hanay. Sa takilya ay nagkaroon ng kaguluhan, awayán, tinukoy ang pagpipilibustero at ang ukol sa lahì, nguni't gayón man ay hindi rin nakakuha ng bilyete. Nang labing limáng minuto na lamang ang kulang sa ika waló ay malalaking halaga na ang itinatawad sa isang uupán sa entrada general. Ang anyo ng dulaan, na naiilawang mabuti, may mga puno't bulaklak sa mga pintuan, ay nakauulól sa mga náhuhuling nápapahangà at napapasuntók. Isáng makapál na tao ang nangagkíkisawan sa mga paligid at pinagmamasdáng naiinggit ang mga pumapasok, ang mga maagang dumáratíng dahil sa natatakot na maunahan sa kanilang luklukan: tawanan, alingawngaw, mga pag-aantabáy, nangagsisibati sa mga bagong dating na masama ang loob na nakikihalobilo sa mga nanonood, at, yamang hindi makapasok ay nangatítirá na lamang sa pagtanaw sa mga pumapasok.

Gayón ma'y may isang wari'y di kahalò sa mga pag- aasámasám at pagnanasàng makapanood. Siya'y isang mataas na lalaking payát na kung lumakad ay marahan at kinákaladkád ang isang paang naninigás. Ang suot ay isang masamang ameríkana na kulay kapé at isáng pantalóng paríparísukát ang guhit, marumí, na nákakapit sa kaniyang katawang mabutó at yayát. Isáng sambalilong hongo na maarte na, dahil sa kasiràan, ang nakataklób sa kaniyang malaking ulo at nagpapakawala sa buhok na ang kulay ay maruming abuhín, halos bulháw, mahahabà, kulót ang mga dulo na wari'y buhók makatà. Ang lalong katangitangi sa taong iyon ay hindi ang kaniyang kasuotan, ni ang kaniyang mukhang taga Europa na walang balbás ni bigote, kundi ang kulay niyáng sagà, kulay na naging sanhi ng tawag na Camaroncocido, na siyang banság sa kaniya. Ang anyo niya'y walang kapara: anák ng isang mabuting lipi, nguni't siya'y nabubuhay sa pagbu- bulagbul, sa panghihingi ng limós; lahing kastilà, ay hindi pinahahalagahan ang karangalang lahi na inaalípustà sa pamag-itan ng kaniyang gulágulanít na kasuotan, ipinala-