Ang pangalawá, na makapálkapál dín, ay may tatak na "MANGA PANUKALANG nasa pagsusuri".―¡Huwag dín!
Pagkatapos noon ay sumusunod ang "MANGA PANUKALANG ipinag-aantay ng panahon." "MANGA PANUKALANG iniharáp.... "MANGA PANUKALANG pinawalang kabuluhan...." "MANGA PANUKALANG pinagtibay.... ""MANGA PANUKALANG pinigil...." Ang mga huling balangkáp ay kákaunti ang lamán,nguni't ang huli ay lalò pa, ang sa "MANGA PANUKALANG isasagawa".
Ikinislót ni D. Custodio ang kaniyang ilóng ¿anó kayâ ang lamán? Nalimot na niya ang nasa sa loob niyón. Isáng putol na papel na naniniláw ang pakaungós sa dalawáng takíp, na wari'y dinidilàan siyá ng balangkáp.
Kinuha sa lalagyan at binuksán: yaón palá'y ang bantóg na panukalà ng Paaralang Artes y Oficios.
―¡A, putris!―ang bulalás―nguni't ito'y nasa sa kamay na ng mga paring agustino......
Walang anó anó'y biglang tinapík ang kaniyáng noo, inihubog ang kilay, isang pagtatagumpay ang nálarawan sa kaniyang mukha.
―¡Sa heto palá ang aking pasiyá, C.―ang bulalás na bumitiw ng isang mahalay na salitang hindi ang eureka, nguni't nagsisimula sa pangkatapusan nitó―ang aking kapasiyahan ay yari na.
At makálimá ó makaanim na inulit ulit ang kaniyang ki- naugaliang eureka, na humaging sa hangin na wari'y magalák na hagkís, at masayang tinungo ang kaniyang mesa at sinimulan ang pagsulat.
Nang gabing yaón ay may isang malaking palabas sa dulàang "Variedades".
Ang samahan ng óperang pransés ni Mr. Jouy ay magdadaos ng una niyang palabás na ang itatanghál ay "Les Cloches de Corneville" at ipamamalas sa madlâng manonood ang kaniyang mga piling troupe na inihayag na ilang araw ng mga pahayagan ang kanilang kabantugan. Sinasabing sa mga aktris ay mayroong mga may magandáng tingig, ngu-