Jump to content

Page:Ang "Filibusterismo" - (karugtong ng Noli me tangere) (IA angfilibusterism00riza).pdf/199

From Wikisource
This page has been proofread.


― 193 ―


tapwâ't gayón mán, gumagamit din ng yantók ang bagong Epaminondas inaabot ng pagkagalit, at ang gayón kung ay inihahatol sa ibá!

Nang mga araw na iyón, ay inulit ng mga kombento ang kanilang mga handóg dahil sa pangangambang bakâ siyá magbigay ng isang kapasiyahang sang-ayon sa kahilingan ng mga nag-aaral, at ng hapong natagpûán natin siyá ay lalo pa mandíng hindi mápalagay kay sa dati sapagka't malapit masirà ang kaniyang kabantugang masipag.

Mahigit nang labing limáng araw na nasa kamay niya ang mga kasulatan, at nang umagang iyon, matapos na mapuri ang kaniyang pagka masusì, ay itinanóng ng mataás na kawani ang kaniyang kapasiyahan. Si D. Custodio ay sumagot ng lubhang matalinghagà, na ang ibig sabihin ay yari na ang mataas na kawani ay ngumiti, at ang ngiting iyon ngayon ay gumagambalà't umuusig sa kaniya.

Gaya nang sinabi na namin, ang hikab niya'y sunódsunód. Sa isang pagkilos niya, ng sandaling idinidílat ang mga matá at inilalapat ang bibig, ay nápatítig sa mahabang hanay ng mga saping mapulá, na ayos na ayos ang mga pagkakalagay sa mainam na aklatang kamagóng: sa mga gulugód ng bawà't isa'y may mga malalaking titik na ang sinasabi, ay: MANGA PANUKALA.

Nalimot sumandali ang kaniyáng mga kagipitan at ang mga pag-ikot ni Pepáy, upang alalahanin na ang lahat ng linálamán ng mga baitang na iyon ay pawàng sumipót sa kaniyang palanak na ulo sa mga sandaling pagliliwanag. ¡Gaano karaming bungang isip na walang kamukha, gaano karaming maririlág na pagkukurò, gaano karaming mga kaparaanang ikaliligtas sa pagsasalát ng Pilipinas! Kailan pa man ay hindi na siya malilimot at tataglayin niya ang pagkilala ng utang na loob ng bayan!

Waring isáng matandang magatod na nakatagpo ng isáng balutang inaamag na mga sulat sa palasintahan, ay tumindíg si D. Custodio at lumapit sa lalagyan ng mga aklát. Ang unang balangkáp na makapal, magâng-magâ, punong-punô, ay may taglay na taták na "MANGA PANUKALANG minumunukala".

-¡Huwag!-ang bulóng-may mga bagay na maíinam, nguni't kailangan ang sangtaon upang mabasang muli.

13