Jump to content

Page:Ang "Filibusterismo" - (karugtong ng Noli me tangere) (IA angfilibusterism00riza).pdf/197

From Wikisource
This page has been proofread.


― 191 ―

―¡Árabe at lubos na árabe!―aniyá kay Ben Zayb sa isáng pagsasabing hindi matutulan―kung dili man, ay insík.

At idinudugtong pang may kindát na makahulugán:

―Walâng wala, walang bagay na sadyang likás ang mga indio, ¿batid ninyo? Malaki ang pagmamahal ko sa kanilá; nguni't hindi silá dapat purihin, sapagka't nangagmamalaki at nagiging mga kahabaghabág.

Kung minsa'y sinasabi na:

―Pinakamamahal ko ang mga indio, ako'y lumálagay nang para niláng amá't niláng amá't tagapagtanggol, nguni't kailangang ang bawà't bagay ay málagay sa nararapat kalagyán. Ang iba'y ipinanganák upang mag-utos at ang iba'y upang sumunod; kung sa bagay ay hindi masasabing malakás ang katunayang itó, datapwa'y ginagawa nang walâng maraming salitaan. At tingnan ninyó, ang paraan ay walang kahiraphirap. Pag kailangan ninyong piglán ang bayan ay paliwanagan ninyong siya'y pigil; tatawa sa unang araw, sa ikalawa'y tututol, sa ikatló ay mag-aalinlangan at sa ika- apat ay panalig na panalig ná. Upang mapalagi ang pilipino sa pagkamasunurin, ay kailangang uulit-ulitin sa kaniyá sa araw-araw na siya'y gayón at pananaliging siya'y walang magagawa. Sa isang dako namán, ay anó pá't mananalig siyá sa ibang bagay kung masásawi lamang? Paniwalaan ninyó akó, isáng kawanggawa ang palagiin ang bawa't isá sa kalagayang kinaroroonan; diyán naririyan ang kaayusan, ang pagkakasundo. Iyan ang lihim ng karunungan sa pamamahalà.

Kung tinutukoy ni D. Custodio ang kaniyáng paraan sa pamamahalà ay di na nasisiyahan sa salitang arte. At pagsasabi niya ng pamamahala ay iniuunat ang kamay na ibinababa hanggang sa taás ng isang taong nakaluhód, nakaukód.

Tungkol namán sa pananampalataya ay ipinagmamalaki ang kaniyang pagkakatóliko, lubos na katoliko, ¡á! ang katólikang España, ang lupàín ni María Santísima!.... Ang isáng labusáw ay maaari at dapat maging katóliko doon sa pook na, ipinalalagáy silá ng mga kalaban ng pagkakasulong, na sila'y mga diosdiosan ó santó man lamang, gaya nang pangyayaring ang isang kayumanggi ay inaaring maputi sa Kaprería. Gayón man, ay kumakain siya ng lamáng kati sa boóng kurismá, tangi lamang sa Viernes Santo; hindi nagkukumpisál kailán man, hindi naniniwalà sa mga kababalaghan, ni sa hindi pagkaká-