kilala ang lihim ng kabuhayan, ni walâng nangyaring hindi niya hinulàan ni paglalathalà ng isang pagbabagong hindi muna isinanguni sa kaniya; at ang lahát nang ito'y may kalahók na pagsundót sa mga conservador, na taglay ang tunay na pagkasuklám, pagpupuri sa pangkating liberal, isang kabuhayan dito, isang salitâ doon ng isang bantóg na tao, na ipinápatláng, na waring hindi kinukusà, ang mga pag-aalóg sa kaniya at mga tungkuling hindi tinanggap upang huwág lamang magkaroon siyá ng anó máng utang na loob sa mga conservador. Napakalaki ang kapusukán niya ng mga unang araw na iyon, na ang ilan sa kausap-usap sa tindahan ng mga sarisaring kakanín na dinadalaw niyáng maminsanminsay nangagsisapi sa pangkating liberal, at nagpanggap nang liberal si D. Eulogio Badana, sargento retirado sa carabinero; ang maranğál na si Armendia, piloto at matalik na carlista; si D. Eusebio Picote, kawani sa aduana, at si Don Bonifacio Tacón, sapatero at talabartero.
Gayón man, ang mga sigabó, dahil sa kakulangan ng tunggalian at mga bagay na makapag-udyók, ay unti-unting napawi. Hindi niya binabasa ang mga pamahayagang dumáratíng sa kaniyáng buhat sa España, sapagka't balubalutan kung tanggapín at ang pagkakita noon ay nakapagpapahikáb sa kaniya; ang mga paghahakàng kaniyang napulot na pawang gamit na, ay nangangailangan ng abuloy na dagdág, at doo'y wala ang kaniyáng mga mánanalumpatî; at kahit na malalakás ang laro sa mga casino sa Maynilà at mayroon ding nanginğristo, gaya ng sa mga lipunán sa Madrid, gayón man ay hindi namán ipinahihintulot sa mga tinuran ang anó mang talumpati upang buhayin ang mga imbót sa polítika. Nguni't si D. Custodio ay hindi tamád; gumagawa ng higit sa pagnanasà lamang, kumikilos; at sa pagkakilala niyang sa Pilipinas siyá málilibing at sa pag-aakalang yaón ang kaniyang makikilusan, ay pinag-ukulan ng kaniyáng mga pagsusumikap at inakalàng mapabubuti sa pagbabalak ng maraming pagbabago at mga panukalang kawiliwili. Siya, ang dahil sa dahil sa nádingíg sa Madrid ang pag-uusap ng ukol sa mga daang nilalatagan nang kahoy sa Paris, na noon ay hindi pa ginagawa sa España, ay nagpalagay na gawin sa Maynilà, sa paraang maglatag ng mga tablá sa mga lansangan at ipagpako na gaya ng