Jump to content

Page:Ang "Filibusterismo" - (karugtong ng Noli me tangere) (IA angfilibusterism00riza).pdf/194

From Wikisource
This page has been proofread.


― 188 ―


dupàan at kung hindi'y makasasagap ng isang pamamaga ng bagà ay ipinagbubuntóng hiningá ang pag-aalala sa taglamig sa Maynilà na sukat na ang magtaglay ng isang bufanda; wala ang kaniyang hiligán at ang batang tagapamaypay kung taginft; sa isang sabi, sa Madrid ay naging isá siya sa mga pangkaraniwan, at, kahi't na mayroon siyang mga brillante, minsan ay pinagkamalán siyang paleto na hindi marunong umimbáy, at minsan ay pinagkamalán siyang indian, kinutya ang kaniyang mga pagnganganinganí at talempák siyang inutô ng ilang mánğunğutáng na kaniyang hiniyâ. Mvhî Mvhî sa mga conservador, na hindi pinahalagahán ang kaniyang mga payo, na gaya rin naman sa mğa kákabitkabít sa kaniyang humihitít sa kaniyang bulsá, ay sumapi sa pangkating liberal, at bago matapos ang taon ay bumalik sa Pilipinas, na, kung hindi man magaling na sa sakit sa atay ay gulóng guló namán ang paghahakà.

Ang labing isang buwang ipinamuhay niya sa Corte na dinaang kahalobilo ng mga politikong tindahan, mga walâng pinapasukan ang lahát halos; ang ilang talumpating nádingíg sa mga suloksulók, ang gayón ó ganitong lathalàng laban sa pamamahalà at lahát noong pamumuhay sa polítika na nálalangáp doon, mula sa pagupitan, sa pag-itan ng mga paggupít ng Fígaro, na naghahayag ng kaniyang pátakarán, hanggang sa mga piginğan na pinaghahayagán, sa pamag-itan ng maiinam na pagsasalaysay at mga nakabibighaning banggit ng mga sari-saring kulay ng mga pananalig sa suliraning bayan, ang mga pagkakaibá, mga pagtiwalág, mğa di kasiyahang loob, at ibp., ang lahat ng iyon, samantalang siya'y lumálayo sa Europa, ay muling nabubuhay nang lubhang malusog sa kaniyang alaala, na wari'y binhing nátaním, na napipigláng lumaki ng mga malalabay na punòng nakatatakip, kaya't ng dumaóng sa Maynila ay inakalang ito'y maiaayos niya, at gayón nga, taglay ang lalòng banal na adhika at ang lalong malilinis na mithi.

Sa mga unang buwan ng kaniyang pagdating ay wala nang nababanggit kundi ang Madrid, ang kaniyang mabubuting kaibigan, ang ministrong si ganoon, ang naging ministrong si ganitó, ang kinatawáng C, ang manunulat na si B; walang pangya yarí sa polítika, mga kagusutan sa Corte, na hindi niya batid ang lalong kaliítliítang pangyayari, ni mga taong bantóg na hindi niya